15-12-24

Mga Sagot sa Panalangin

“Sapagkat walang anumang bagay na hindi kayang gawin ng Diyos.” – Lucas 1:37

Si Samuel, isang dayuhan sa Libya, ay nagbabasa ng kaniyang Bibliya habang oras ng pahinga sa trabaho.  Nang isa sa kaniyang mga katrabaho, si Amal, ay tinanong siya sa kaniyang ginagawa.  Sinabi ni Samuel sa kaniya na gustong-gusto niyang binabasa ang Bibliya at makilala pa si Hesus.

Sinabi ni Amal kay Samuel na siya ay nagkaroon ng panaginip tungkol kay Hesus.  Sa panaginip, hindi niya makita ng malinaw ang mukha ni Hesus, ngunit alam niya na Siya iyon.  Madilim, ngunit isang liwanag ang sumilip mula sa mga ulap at bigla, ang lupa sa kniyang kinatatayuan ay naging katubigan.  Tumingin siya sa itaas at nakita Siyang bumababa mula sa kalangitan at siya ay labis na natakot.  Sinabi niya kay Samuel na lagi siyang nagkakaroon ng ganitong panaginip.

Makalipas ang isa o dalawang araw, ibinahagi ni Samuel ang kaniyang testimonya kay Amal.  Binago siya ng Diyos mula sa kaniyang dating kasamaan at binigyan siya ng bagong buhay.  Binago ni Hesus ang kaniyang puso.  Mataimtim na nakinig si Amal, kaniyang naibulalas, “Salamat sa Panginoon mo na ginawa ang mga bagay na ito para sa iyo!”

Hindi maipagpatuloy ni Samuel ang pagbabahagi ng Salita kay Amal dahil sa kultura sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan.  Umaasa si Samuel na siya ay maipakilala sa kapwa babae na taga-sunod ni Hesus.

Sa kabilang bayan, dalawa sa tagasunod ni Hesus na parehong Libyan ay pinahiran ng langis habang ipanagdarasal ng iba pang mga mananampalataya nang sila ay palakasin ng Banal na Espiritu at pagkalooban ng lakas ng loob na ibahagi ang Magandang Balita.  Sa susunod na buwan, ang isa sa kanila ay nagkaroon ng pagkakataon na ipanalangin ang isang may sakit na kaanak, at noo’y gumaling agad.  Isa pa sa mga tagasunod na Libyan ay nagpatotoo sa kung paanong ang Banal na Espiritu ay inalis ang galit na patuloy na lumalagi sa kaniyang puso at pinalitan ng kapayapaan.  Simula noon ay patuloy siyang nananalangin at buong galak na nag-aaral ng Salita.

Tayo ay nalalapit na sa pagtatapos ng taon ng pagpapanalangin para sa Libya, ngunit huwag tayong tumigil sa pagdarasal para sa Libya.  Patuloy kayong makakatanggap ng mga anunsyo sa pananalangin, ngunit ito ay ipapadala bawat buwan sa halip na lingguhan.  Sa pagpapaalala ng Espiritu, patuloy nating ilapit ang bansang ito sa Diyos.  Labis kaming nagpapasalamat sa mga testimonya, gaya nang nasusulat sa itaas, kung paanong sinasagot ng Panginoon an gating mga panalangin.  Patuloy tayong manalangin nang sa gayon ay maraming mga Libyan pa ang umangat at makita ang kanilang lugar sa trono ng Diyos.

Basahin, ipagnilay, at ipanalangin:  Isaias 60:1-3


15-12-17

Kahihiyan at Sakit

“Tingnan ninyo; ‘Maglilihi ang isang birhen at magsisilang ng isang sanggol na lalaki, at tatawagin itong Emmanuel.’ Ang kahulugan nito’y “Kasama natin ang Diyos”.)” – Mateo 1:23

Hindi nakita ni Khadijah ang mga kidnaper na papalapit sa kaniya habang siya ay naglalakad pauwi ng kanilang bahay mula sa kolehiyo isang araw sa panahon ng taglamig.  Mabilis ang pangyayari.  Kahit sa ngayon, hindi na niya maalala ng malinaw ang nangyari.  Patuloy pa rin siyang hinahabol ng bangungot na kaniyang dinanas.  Itinago siya sa loob ng tatlong araw bago iwanan ng tuluyan sa pinto ng bahay ng kaniyang ama.  Siya ay inabuso at ang damit ay punit-punit.  Ang kaniyang pamilya ay namimighati.  Alam nilang ang kanilang pamilya ay pag-uusapan ng mga kapitbahay.  Sila ay napuno ng kahihiyan.  Napagdesisyunan nila na hindi na maaaring manirahan si Khadijah kasama nila.  Maaaring ang nangyari sa kaniya ay hindi niya kasalanan, ngunit ngayon siya ay isang kahihiyan.  Siya ay pinalayas – walang pamilya, walang karangalan, itinakwil.

Si Salah ay isang lalaki na gaya niya ay nadakip.  Habang daan papunta sa kaniyang trabaho, siya ay na-kidnap kapalit ng malaking halaga para matubos.  Tinakot siyang papatayin ng mga kidnaper kung hindi magbabayad ang kaniyang pamilya.

Si Mohamed ay itinago sa loob ng dalawang buwan.  Itinago siya ng mga mandarakip sa isang shipping container nang nakapiring ang mga mata, at binubugbog bawat araw.

Ang mga pagdakip ay pangkaraniwang nangyayari na sa kasalukuyan sa Libya.  Sinuman ang may pera ay namumuhay nang may takot na maaaring sila na ang susunod na madadakip, at tatakutin maging ang kanilang mga pamilya.

Ngayong Panahon ng Pagdating, sa ating pagninilay sa nalalapit na pagdating ni Hesus sa mundo, ating ipanalangin na matagpuan ng mga Libyan ang kaligtasan, kaaliwan, at kagalingan kay Hesus.  Ipanalangin ang Kaniyang mga tagasunod na silang mag-akay sa mga Libyan na gutom sa kaaliwan at kaligtasan.

Basahin, ipagnilay, at ipanalangin:  Isaias 11:1-10


15-12-10

Ang Puso ng Ama

“Kung paanong isinugo ako ng Ama, isinusugo ko rin kayo.” – Mateo 20:21

Isang mananampalatayang Libyan na naninirahan sa labas ng kaniyang bansa ay nagbahagi ng isang panaginip na nangyari ilang taon na ang nakalipas:

“Sa aking panaginip, nakita ko ang akiing sarili na bumabalik sa lupain ng aking ama sa Libya.  Sa kaniyang lupain ay mga puno ng olive.  Sa aking panaginip, nakita ko ang mga puno ng olive at sila ay hitik na hitik sa bunga, mas malaki kaysa normal na laki nito.  Ang kanilang mga kulay ay itim na itim at ang langis ay kusa ng tumutulo mula sa mga bunga.  Handa na ang ani.  Ngunit ako ay nalulungkot sapagkat ang aking ama ay nakaupo lamang.  Tumingin ako sa kaniya at nagtanong: “Anong nangyayari?  Bakit hindi mo pinipitas ang mga bunga?  Handa na ang ani.”  Tumingin siya sa akin at nagsabi, “Wala akong makakatulong sa pag-ani.”  Nalungkot ako dahil sa aking paglalakad, nakikita ko ang mga olive sa lupa at ang mga langis na nasasayang.  Handa na ang mga olive para anihin.  Sa ibang mga lupain, ang lahat ay inaani ang kanilang mga olive, maliban sa mga bunga na nasa lupain ng aking ama.

“Nagising ako nang malungkot.  Kinuwento ko ang aking panaginip sa isang lider sa aming simbahan.  Ganito ang paliwanag:  Ang mga olive ay ang mga puso ng mga Libyan.  Ang ama ay ang ating Ama sa langit.  Walang tumutulong sa pag-ani – ang bansa ay walang mga manggagawa na magbabahagi ng Magandang Balita.  Ang tumatagas na langis mula sa olive ay ang mga puso ng mga Libyan na handa na para sa gawa ng Panginoon.”

“Kung si Hesukristo ay Diyos at namatay para sa akin, walang anumang sakripisyo ang magiging mabigat na aking gagawin para sa Kaniya.” – C.T. Studd

(“If Jesus Christ be God and died for me, then no sacrifice can be too great for me to make for Him.” – C.T. Studd)

Basahin, ipagnilay, at ipanalangin:  Lucas 2:8-18


15-12-03

Kaguluhan

“Magiging malawak ang kanyang kapangyarihan at walang katapusang kapayapaan ang ipagkakaloob sa trono ni David at sa kanyang kaharian.” – Isaias 9:7

Noon ay tinatanggap ni Thoraya na ang lahat ng nangyayari ay ayon sa kagustuhan ng Diyos.  Hindi niya kinukwestiyon ang anumang bagay na dumadating sa kaniyang buhay.  Kahit na hindi gusto ng kaniyang pamilya at tribo kay Ghaddafi bilang Pangulo, naging maayos pa rin ang kanilang pamumuhay.  Ilan sa mga kamag-anak ni Thoraya ay namatay sa pakikipaglaban kasama ang mga rebelde noong 2011, ngunit labis itong ipinagmamalaki ng kanilang pamilya sapagkat sila ay namatay na martir para sa makabago at malayang Libya.  Sa kabila ng mga pakikipagbaka ng baguhang gobyerno,  siya at ang kaniyang mga kaibigan ay patuloy na nag-saya sa kanilang buhay at naging kuntento sa kanilang relihiyon.  Hindi nila hangad na kuwestiyonin ang buhay.

Sa nakaraang isa at kalahating taon, ito ay nagbago.  Mas humina ang kalagayan ng buhay ngayon kaysa noong nasasailalim pa kay Ghaddafi ang Libya.  Simula noong unang halalan taong 2012, hindi na makontrol ng mga nasa pamahalaan ang bilang ng mga militante at armadong grupo na nagkaroon ng kapangyarihan noong rebolusyon ng 2011.

Ang mga grupong ito ay dumami, at ang pakikipaglaban para sa kontrol sa bansa ay nagpatuloy.  Isang ulat mula sa UN ay nagtatala ng halos 1,700 na bilang ng armadong grupo at militante ang sa ngayon ay aktibo ngayon sa Libya.  Ilan sa mga grupong ito ay ginagamit ang kasalukuyang kawalang-tatag sa bansa upang magkaayos ang mga tribo.

Hindi na nakakaramdam ng kaligtasan ang mga Libyan.  Hindi na sila napo-protektahan ng batas at ang mga pulis ay mas madalas natatakot makialam o mas simple, wala nang kapangyarihan.

Ayon sa UN, tinatayang abot sa 2.44 milyon ng mga Libyan – halos kalahati ng populasyon ng bansa – ang bilang ng mga naapektuhan ng kaguluhan, na humahantong sa kakulangan ng pagkain, tubig, kuryente, at mga gamit pang-medikal.  Ang kalidad ng buhay at ang paggamit sa mga pangunahing serbisyo ng gobyerno ay nag-iiba-iba sa bawat lugar sa buong bansa.  Ang sitwasyon sa Tripoli ay mas malala ngayon kaysa noong nakaraang limang taon, ngunit mas matatag pa din kaysa siyudad ng Benghazi.  Karamihan sa mga Libyan na nakapanayam ng UN noong Agosto ay nagsabing ang kanilang mga anak ay nakapasok pa sa mga paaralan, samantalang sa Benghazi, ang bilang ng mag-aaral ay bumaba ng kalahating porsiyento simula ng tumindi ang pag-aawayan noong 2014.

Maraming Libyan, katulad ni Thoraya at kaniyang mga kaibigan, ay patuloy na nagiging desperado.  Patuloy silang nalalagay sa mga pagtatalo tungkol sa kung bakit ang mga bagay ay nagiging mali sa kanilang bansa.  Nagulat ang lahat nang sinabi ni Thoraya na ang kanilang relihiyon ang dahilan ng nararanasang kalamidad.  Dumarami ang mga Libyan na nagtatanong ng mga bagay na hindi nila kinukwestiyon noon.

Kahit na nakakaranas ang Libya ng mga pagbabago sa pamahalaan at pamunuan, tila ang kadiliman – na nakapasok sa kanilang bansa sa pamamagitan ng mga kasalanang nagawa sa bawat henerasyon – ay hindi na matinag.  Tayo nang lumapit sa Panginoon para sa kaniyang Liwanang na putulin ang anumang sumpa sa bansang ito nang sa gayon ang mga Libyan ay hanapin at matagpuan si Hesus.

Basahin, ipagnilay, at ipanalangin:  Mateo 2:1-11


15-10-22

Ano ang itsura ng tunay na iglesia?

“Subalit dumarating na ang panahon at ngayon na nga, na ang mga tunay na sumasamba sa Ama ay sasamba sa kanya sa espiritu at sa katotohanan.  Sapagkat ganyan ang uri ng pagsambang kinalulugdan ng Ama.”

Juan 4:23

Itinakwil ni Paul bilang kaibigan ang ilan sa mga Libyan na nasa siyudad kung saan siya nakatira.

Madalas ay tinatanong niya ang mga ito tungkol sa kanilang relihiyon: “Bakit nakalagay sa Qur’an ang tungkol sa pagkamatay ni Hesus? Bakit ninyo sinasabi na ang Bibliya ay binago? Hindi ba ito nabanggit sa Qur’an?

Dati ay hindi nila binibigyang pansin ang mga ganitong katanungan, kung kaya’t ngayon ay nakaramdam sila ng pagka-ilang.

Isang araw, tinanong ni Mokhtar si Paul kung maaari niya itong samahan sa simbahan.  Ngunit mayroon nang naunang lakad si Paul kung kaya’t hindi ito nakasama sa kanya.  Ipinaliwanag niya kay Mokhtar na ang simbahan ay hindi isang gusali lamang.  Sa halip, ang simbahan o iglesia ay tungkol sa pakikipagtipon sa iba pang mga mananampalataya.  Ang simbahan ay maaaring matagpuan kahit saan.

Hindi nasiyahan si Mokhtar, kaya’t nagtungo siya nang mag-isa.  Sinalubong siya ng pari at tinanong siya ng kanyang pangalan at pinanggalingan.  Nagsinungaling si Mokhtar tungkol sa kanyang nasyonalidad sapagkat siya ay natakot na may ibang makaalam.  Madali siyang lumisan matapos ang pagsamba.

Gayunman, isang kagutuman para sa katotohanan ang nabuhay sa kanyang loob.  Nagtungo siya kay Paul dala ang mga katanungang: “Sino ang kanilang sinasamba sa simbahan? Ang Diyos o si Hesus?”

Samantala, sa harap ng iba pa niyang  mga kaibigan, tinatawanan lamang ni Mokhtar ang naging karanasan niya sa simbahan.  Gayunman, isa sa mga kaibigan ni Mokhtar ay nabuhay ang kuryosidad at ninais ding magtungo ng simbahan.

Ang mga kasalukuyang karahasan na nagaganap sa ngalan ng relihiyon ay nagiging dahilan upang ang mga muslim na Libyan ay magsimulang magduda sa kanilang pananampalataya. Gayon pa man, kung paanong ang Kristiyanismo ay ipinapakilala sa mga telebisyon at sa mga tradisyonal na gusali, ay bago sa kanila at sa kanilang kultura.  Hindi lamang ang kaalaman kung sino si Hesus ang kailangan nila, gayon din ang kaalaman kung ano nga ba ang tunay na simbahan o iglesia.

Ang mga Libyan na tagasunod ni Hesus ay nagnanais din na malaman kung ano nga ba ang iglesia o simbahan.  Sa kanilang panonood sa telebisyon, nakikita nilang nagtitipon ang mga Kristiyano at sumasamba sa mga malalaking gusali na talaga namang imposibleng mangyari sa kanila.  Ipanalangin na sila’y pag-ugnayin ni Hesus sa paraan na angkop sa kanilang kalagayan.

Basahin, ipanalangin, at magnilay: Mga Gawa 2:21,37-47


15-10-16

Media

“Kapag hinanap ninyo ako, ako’y inyong matatagpuan; kung buong puso ninyo akong hahanapin.”

Jeremias 29:13

Isang kilalang Libyan na propesor na nagtatrabaho sa Kanluran, ay nagsulat ng isang artikulo sa isang tanyag na Libyan website tungkol sa kasalukuyang mga kaganapan sa Libya.  Kaniyang naisulat na, sa mgayon, muli niyang nahikayat magbalik Islam ang limang batang babae na Libyan na naging Kristiyano sa pamamagitan ng mensahe ng Mabuting Balita o Ebanghelyo na kanilang narinig at tinanggap mula sa social media.  Subalit, isa sa mga babaeng ito ang nagsabi sa kaniya, “Ito ang Panginoon na nais kong sundin at sambahin.  Siya ang Diyos ng pag-ibig, kapayapaan, at katapatan – hindi katulad ng nakikita natin sa Islam, lalo na sa mga kaguluhang nagaganap, di pagkakaunawaan, pagtatalo, at kalupitan.  Sa Kaniya ay siguradong may paraiso para sa mga mananampalataya.  Tingnan mo kung ano ang sinabi sa akin ng Panginoon ngayon…”  Ipinakita ng babae sa propesor ang mensahe sa kaniyang telepono na nagsasaad, “Isang sulat mula sa iyong Ama na nasa langit…”

Ito ay nagsilbing “wakeup call” para sa propesor.  Habang ang mga sheikh at mga pinuno ng Islam sa Libya ay nagtatalo at hindi masagot ang mga katanungan o hayaan man lang ang mga kabataan na magtanong tungkol sa kanilang relihiyon, ang mga batang babaeng ito ay patuloy na tumitingin at humahanap ng paraan upang makilala ang Diyos.  Nakakilala na ang propesor ng mga kabataang tumanggap sa Diyos sa ganitong paraan – ang Daan ni Hesus – at nagsabing kanilang natagpuan ang galak at kapayapaan kay Hesus.

Nagbanggit siya ng mga Salita mula sa Bibliya at mga usapang espiritwal mula sa website na ito, na siyang nagdulot upang bisitahin ng maraming mga Libyan ang nasabing website at makita sa kanilang sarili kung ano ang tinutukoy ng propesor.  Inilarawan niya ito bilang, “tinig ng isang Libyan para sa mga Libyan”.  Purihin ang Panginoon sa Kaniyang paggamit sa propesor na ito upang matulungan ang mga tao na makahanap ng daan tungo sa katotohanan.

Ginagamit ng Panginoon ang media hindi lamang para maikalat ang mensahe ng ebanghelyo sa Libya, kungdi para pasiglahin at palakasin ang loob ng mga Libyan na tagasunod ni Hesus.  Nang dahil sa internet, maaari nang maabot ang mga Libyan sa pamamagitan ng mga website at social media.  Karamihan sa mga tao ay nakakagamit ng internet mula sa kanilang mga telepono at nakakapunta sa mga Chrsitian websites at Facebook pages, para makahanap ng sagot sa kanilang mga tanong at problema.

Hindi lahat ay masaya sa ganitong teknolohiya.  Ang mga otoridad ay pilit na hinaharangan ang mga Christian websites upang hindi sila magamit sa Libya.

Sa ating pagninilay-nilay sa Salita, ating ipanalangin na makita at matagpuan ng mga Libyan ang Katotohanan kay Hesus sa kanilang paggamit ng social media.  Ipanalangin na nawa’y patuloy na ikonekta ng Banal na Espiritu ang mga mananampalataya at mga naghahanap sa pamamagitan ng internet at walang anuman ang humadlang ditto.

Basahin, ipanalangin, at magnilay: Isaias 55:1-11


15-10-08

Tuareg

Purihin ang Diyos, siya ay awitan, awitan ang hari, siya’y papurihan! Ang Diyos, siyang hari ng lahat ng bansa; awita’t purihin ng mga nilikha!”

Mga Awit 47:6, 7

www.ibtimes.co.uk

Nitong pasimula ng Hunyo, sa kabila ng kasalukuyang alitan at paghina ng ekonomiya ay nagtipon ang mga tribo ng Tuareg sa bayan ng Ghat para sa taunang “Music and Heritage Festival”. Nawa’y ang mga kantahan at sayawang ito ay maging pagpupuri at pagsamba sa Diyos!

Halos 20,000 sa populasyon ng Libya ay binubuo ng mga Tuareg at naninirahan sa timog-kanlurang bahagi ng bansa, malapit sa bayan ng Obari at Ghat.  Sa pasimula, ang mga Tuareg ay namumuhay lamang sa disyerto ng Sahara, at sa ngayon, sila ay matatagpuan na ding naninirahan sa mga karatig-bansa ng Niger, Mali, at Algeria.  Ang Tamahaq (isang diyalekto ng Berber) ang wikang gamit ng mga Tuareg sa Libya.

Sa ilalim ng nakaraang rehimen, mababa ang tingin sa mga Tuareg, walang pagkamamamayan, at kapos sa kinatawang pampulitika.  Kumuha si Qaddafi ng mga Tuareg mula sa ibang bansa upang makipaglaban para sa kanya sa digmaan.  Lumaban naman para sa kabilang panig ang Tebus, isa pang tribo.  Simula pa noong taong 2011, patuloy ang sagupaan sa pagitan ng Tebu at iba pang mga grupo.  Ang pinaka-dahilan ng sagupaang ito ay may kaugnayan sa mga hindi pagkakaunawaan sa kontrol ng ruta ng kalakalan sa timog at mga pangunahing pinagkukunan ng langis.  Kamakailan, nagkasundo ang mga pinuno ng Tuareg at ng Tebu sa isang tigil-putukan, na inaasahang magtutuloy sa isang kasunduang pangkapayapaan.

Sa patuloy na pagdami ng bilang ng grupong Islam sa timog ng Libya, ipanalangin na ang mga Tuareg ay hindi mapabayaan bagkus ang kanilang pangangailangan ay kilalanin at ipagkaloob – para sa ikagaganda ng ekonomiya, pagkakataon na makapaghanapbuhay, suporta mula sa estado para sa kanilang wika at kultura, at pagkakakilanlan bilang mamamayan at mga karapatang kalakip nito.

Basahin, ipanalangin, at magnilay: Mga Taga Roma 15:9-13


15-09-24

Tobruk

“Dahil hindi nila kinilala ang katuwirang mula sa Diyos, at nagsisikap silang gumamit ng sarili nilang pamamaraan; hindi sila sumunod sa pamamaraang itinakda ng Diyos.”

Mga Taga-Roma 10:3

Ang Tobruk, isang lungsod malapit sa baybayin ng Silangang Mediterano, malapit sa hangganan ng Ehipto, ay may bilang ng populasyon na umaabot sa 120,000.

Ang lungsod ay may matibay at malalim na daungan, at sinasabing pinakamahusay na daungan sa North Africa, ngunit walang paliparan dahil ito ay napapalibutan ng mga bangin at disyerto.  Ang karatig disyerto ay pinaninirahan ng mga taong naglalakbay sa bawat “oasis”.  Ang Tobruk ay nagsilbing matibay na tanggulan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ng mga kaalyadong nasa ilalim ng pananalakay habang pinipigilan ang mga German na makarating ng Ehipto.  Nang makalaya ang Libya noong 1951, itinayo ang palasyo ni Haring Idris ng Libya sa Bab Zaytun.  Ang Tobruk ang naging kuta ng dinastiyang Senussi at isa sa mga siyudad na nag-aklas laban kay Gaddafi.  Sa pag-uumpisa ng rebolusyong 2011, ang siyudad ay napasailalim sa pamamahala ng NTC (National Transitional Council) na kumalaban kay Gaddafi.

Buwan ng Setyembre taong 2014, ang HOR (House of Representatives), ang gobyerno ng Libya na kinikilala sa buong mundo, ay inilipat ng lokasyon mula Tripoli papuntang Tobruk matapos sakupin ng Libya Dawn (isang armadong grupo) ang kapitolyo noong Agosto 2014 at nagtatag ng sariling grupo – ang GNC (the General National Congress).

Ang Tobruk ay nakakaranas ng kakaunting karahasan lamang kung ihahalintulad sa ibang lungsod sa Libya.  Noong Mayo 2015,  tinangkang patayin ng mga armadong kalalakihan si Abdullah al-Thinni, ang Punong Ministro ng HOR nang panahong iyon, habang siya ay patungo ng paliparan, ngunit siya ay nakatakas.  Ang pag-atakeng ito ay nakakabit sa mga pinuno ng mga tribo sa Tobruk.

Isang malaking bahagi ang ginagampanan ng Tobruk sa kasalukuyang mga pangyayari sa Libya.  Marami nang kasunduang pangkapayapaan na inihain sa pagitan ng gobyerno ng Tobruk at Tripoli ang tinanggihan.

Kamakailan, ito ay naihayag sa isang Tobruk Facebook page:

“Huwag mag-isip ng sobra, bagkus ay magpatawad ng labis.

Nagbubukas ang Panginoon ng pintuan sa pamamagitan ng kapatawaran at hindi ng pag-iisip.

Humingi ng kapatawaran mula sa Diyos na makapangyarihan at magsisi.”

(“Do not think too much, but forgive much.

God opens the door by forgiveness and not by thinking.

Ask forgiveness from the Almighty God and repent to Him.”)

Maaaring ito na ang maging susi upang magkapatawaran ang mga mamamayan ng Tobruk at Libya.  Sa ating pagdarasal para sa lungsod na ito, ating ipanalangin ang kanilang pakikipagkasundo sa Panginoon sa pamamagitan ni Hesukristo.

Basahin, magnilay, at ipanalangin: 2 Mga Taga-Corinto 5:18-21


15-09-18

Eid al-Adha

Kinabukasan, nakita ni Juan na si Jesus ay lumalapit sa kanya. Kaya’t sinabi niya, “Tingnan ninyo, siya ang Kordero ng Diyos na nag-aalis ng kasalanan ng sanlibutan!

Juan 1:29

Si Omar, isang binata sa edad na tatlumpu, ay karaniwan nang palakaibigan at masayahin.  Nang mga nakalipas na araw, labis siyang nalungkot sa sitwasyon ng Libya.  Lumaban siya sa panig ng mga rebelde noong rebolusyon ng taon 2011, ngunit hindi na muli nasangkot sa anumang uri ng rebolusyon matapos noon.  Sa panahong ito, delikado na kahit ang paglalakad sa palibot ng bayan.  Isang araw, habang siya ay namimili para sa kanyang pamilya, naipit siya sa isang barilan at pilit na iniligtas ang sariling buhay.  “Gusto ko ng kapayapaan, kapayapaan, kapayapaan…” wika niya.  Hindi na siya naghahanapbuhay at inuubos na lamang ang kaniyang oras sa bahay habang nanonood ng telebisyon o nagtitingin sa internet, umaasang makakatulong ang mga ito para makalimot.  Ikinahihiya niya ang kaniyang bansa dahil sa kawalan ng hustisya at walang patumanggang pagpatay ng mga iba’t ibang grupo, lalo na ang Islamic State, sa mga inosenteng mamamayan.  Niyanig ng mga pangyayaring ito sa Libya ang buong mundo ngayong taon, ngunit si Omar, kasama ang iba pang Libyan gaya niya ang mas higit na nasindak kaysa mga taga-Kanluran dulot ng mga pagpapatayan.

Sa darating na linggo ay ang tinatawag na Hajj (paglalakbay sa Mecca), isa sa mga haligi ng Islam.  Maraming mga Muslim kagaya ni Omar na hindi magtutungo ng Hajj, ay magdidiwang ng Eid al Adha, “the feast of sacrifice”, sa pamamagitan ng pag-aalay ng tupa gaya ng ginawa ni Abraham ilang libong taon na ang nakalipas.  Matapos ang pananalangin sa umaga sa mosque, kung saan binabasa ang istorya ni Abraham (na may kaunting pagkakaiba sa Bibliya), uuwi sa kanilang tahanan ang mga kalalakihan upang patayin ang kanilang tupa (minsan, pinagsasaluhan ng mga pamilya ay isang kamelyo), samantalang ang mga kababaihan naman ay maghahanda ng iba’t ibang lutuin.  Sa susunod na dalawang araw, dadalawin nila ang kanilang mga kaibigan, at ang mga bata ay mamamasyal suot ang mga bago nilang kadamitan.

Maraming tao na gaya ni Omar ang napapagod na sa mga pag-aawayan, at umaasa na ang selebrasyon ng Eid al-Adha ay magdadala ng kapahingahan at kapayapaan (kahit sandali lamang) mula sa mga kasalukuyang awayan at masasamang balita. Sa iyong pag-aaral sa (totoong) kwento ni Abraham, ipanalangin na sa kanilang pagbabasa ng kwento sa mosque, ay ipakita ng Banal Na Espiritu sa kanila na si Hesus, ang Kordero ng Diyos, ay ang “pinakadakilang” handog ng Diyos para sa kanilang mga kasalanan.  Malinaw na binabanggit sa Quran na ang anak ni Abraham ay tinubos ng isang “dakilang” handog (isang lalakeng tupa na inihain ng Diyos).  Ating hilingin din na nawa’y maging espiritwal na tagapagmana sila ng mga biyaya ni Abraham.

Basahin, magnilay, at ipanalangin: Genesis 22:1-18


15-09-10

Araw ng mga Martir

 Mahalaga sa paningin ng Panginoon ang kamatayan ng Kaniyang mga banal. – Mga Awit 116:15

“Sinubukan nilang ilibing kami. Hindi nila alam na kami’y mga butong pananim.” – Kasabihan sa Mexico

Taon-taon tuwing ika-16 ng Setyembre, inaalala ng mga Libyan ang tinatawag na Araw ng mga Martir para sa karangalan ng mga taong naging biktima sa ilalim ng rehimeng diktatoryal ni Benito Mussolini (ang pinuno ng Libya sa mga oras na ito ay nasasakop pa ng mga Italyano) at Muammar Gaddafi.  Isang tahimik na seremonya bilang pag-alala ang ginanap sa buong bansa.

Sa mga nakalipas na taon ay nakita ding mayroong mga Kristiyanong nagpaka-martir para sa kanilang pananampalataya.  Noong Pebrero at Abril 2015, nagulat ang mundo sa malupit at walang awang pagpaslang sa mga Kristiyanong Egyptian at Ethiopian.  Gayon pa man, bago pa ang mga ganitong pangayayari, labis nang naghihirap ang mga Kristiyano sa Libya.

Noong Mayo 30, 2014, Si Danny na isang Kristiyanong Iraqi ay lumabas para makipaglaro sa kanyang mga kaibigan ngunit hindi na muling nakabalik.  Siya ay binaril at napatay nang dahil sa kaniyang pananampalataya.  Nagbigay ng testimonya ang kaniyang ina sa isang pakikipanayam sa telebisyon na inilabas sa Sat 7, isang istasyong nagbabalita sa mga bansang Arabo.

“Nang aming marinig ang balita ng kanyang pagpanaw, nagluksa kaming mga pamilya at kaibigan niya.  Ngunit natagpuan ko ang aking sarili na kumakanta ng mga awiting papuri.  Kahit ako ay nagulat sa sarili kong reaksyon.

“Nang magtungo kami upang makita siya sa huling pagkakataon bago ang kaniyang burol, labis na mahirap, ngunit sinabi ko kay Hesus, ‘Nawa’y ibigay Mo sa akin ang iyong mga mata upang makita ko ang aking anak, at bigyan ako ng lakas para makapagtiis.’  Ako ay nagtungo, habang patuloy na umaawit ng mga himno, upang makita ang aking anak.

“Sa loob ng sasakyan, ipinikit ko ang aking mga mata at nakita sa isang pangitain si Danny na nakasuot ng puti at may koronang gawa sa mga bulaklak.  Nakita ko si Hesus na nakaupo sa trono at napapalibutan ng mga anghel at sinasalubong ang aking anak.

“Pagkatapos ay inaliw ako ng Panginoon, at ng mga taong dumalaw at umiyak para kay Danny.  Ngunit sinabi ko sa kanila, “Ang anak ko ay buhay sa Kaharian ng Panginoon at nawa’y maitaas ang pangalan ng Panginoon.”

“Karamihan sa mga taong dumalaw ay hindi Kristiyano at labis na namangha sa patuloy na pagiging kalmado ko at kung paano ko inaaliw ang aking sarili.”

Anuman ang ginamit ng kalaban para sa kasamaan, ay ginamit ng Diyos para sa kabutihan – at ang testimonya ng pagpapatawad para sa mga may sala at ang mensahe ng krus ay naisawalat sa buong mundo.

Sa pag-aaral sa aklat ng Pahayag 12, anong kadahilanan ang binibigay ng Salita para sa pag-uusig at pagka-martir?  Paanong mamumuhay ng matagumpay ang mga tagasunod ni Hesus sa Libya?  Ipanalangin sila kasama ang Espiritu na gagabay sa iyong pag-aaral ng Salita ng Diyos.

Basahin, magnilay, at ipanalangin: Pahayag 12:9-12


15-07-23

‘Sex trafficking’

Papakinggan mo, Yahweh, ang dalangin ng mga hamak , patatagin moa ng loob ng mga kapus-palad.  Ipagtatanggol moa ng mga api at mga ulila , upang wala nang taong mananakot ng kapwa.

Awit 10:17-18

Ang ‘Human trafficking’ ay isang kalakalan na pinakikinabangan sa Libya. Sa ilalim ng mga tuntunin ni Ghaddafi , ang ‘trafficking’ ay isang industriya na kontrolado at may otorisasyon mula sa estado ng Libya. Kontrolado ng mga ‘Traffickers’ at mahusay sa koneksyon ang mga migranteng na nagbibiyahe mula sa sub Saharan Africa patungo sa Europa. Matapos ang 2011 rebolusyon, naging isang maunlad ngunit magulo ang negosyong ‘Trafficking.’  Kahit sino na may ilang mga magagaling na koneksyon ay maaaring makilahok sa ‘multi- milyon’ dolyar na industriya ng trafiking.

Ang madilim na aspeto ng negosyo na ito ay kapag ang migrante ay hindi na makabayad sa pagkakarga. Sa ganitong mga kaso ang mga migrante ang madalas na kinukulong, pinahihirapan, ipinagbili sa mga kampo ng paggawaan , ibinebenta bilang ‘sex slaves’o pinapatay. Itong malupit na pagturing sa mga tao ay suportado ng dating rehimen. Mismo si Ghaddafi ay kilala sa kanyang ubod ng kasamaan para biktimahin ang daan-daang mga alipin doon sa mga pribadong ‘sex’ dungeons.

ang isang saksi ng ‘sex trafficking’ sa Libya nagsasabi, ” Gusto lang silang kumuha ng babae na kanilang nais. Sila ay walang budhi, walang moral , sila’y walang awa kahit konti sa mga bata. “May isa pang nag-ulat,” Naglaho ang isa at hindi na natagpuan ng kanyang mag magulang o kapatid. Ang isa nama’y natagpuan tatlong buwan na ang nakalipas, putol na ang katawan, ginahasa at nakahiga sa gitna ng isang parke. Siya ay iniwang halos patay  na. ”

Sa kabila ng mga naglalakihang kasamaan , tayo’y nagagalak sa isang Diyos na may hawak    sa kanila. Hindi niya sila kinakalimutan sa naramdamang nilang sakit at hindi sila iniwanan na nag-iisa. Gamitin ang Mga Awit sa ibaba upang isangguni sa kanyang pangalan ang mga alipin sa Libya.

Magbasa , magnilay at manalangin gamit ang Awit 10


15-07-16

Ang Kalungkutan

May tahanan siyang laan sa sinumang nalulungkot, ang bilanggo’y hinahango upang sila ay malugod;  samantalang ang tirahan ng suwail ay malungkot.

Awit 68:6

May ilang mga gusali ng iglesia sa Libya kung saan ang mga Kristiyano mula sa ibang bansa ay nagkakatipon upang magsamba. Gayunpaman ipinagbabawal ng mga awtoridad at ng kanilang lipunan na bisitahin ng mga Libyano ang mga lugar na ito.

Si Jesus ay nagpakita kay Rafiq noong siya ay isang tinedyer. Ito ay isang maluwalhating sandali na nagkaroon ng isang malaking epekto sa kanya. Pagkatapos noon nakilalaniya ang isang nakakatandang kamag-anak na si Ahmed, isang tagasunod ni Jesus at ipinaliwanag ang Ebanghelyo sa kanya. Sa puntong iyon, nagpasya si Rafiq sumunod kay Jesus.

Maraming taon na ang lumipas, sumusunod pa rin si Rafiq kay Jesus. Nakakaramdaman siya ng lungkot kung minsan. Kailanman hindi siya nakapagdalo sa pagsamba at nananabik siya na maging bahagi ng isang pagtitipon ng mga mananampalataya na mula sa kanyang bansa- upang  Subalit hindi pinapayagang bumisita ng simbahan ng mga expat. Nais niyang  makita kung paano ang mga mananampalataya sumasamba ng sama-sama. Kailanman hindi niya naranasan ito.  Nasisiyahan siya sa pag-aaral ng Biblia, ngunit siya ay may isang malalim na pananabik para sa samahan.

Nagkwento oa ang isang Libyano: “Maraming taon na nakalipas,  nagpunta ako sa isang expat na simbahan sa lungsod para ipahayag ang aking pananampalataya kay Jesus. Ngunit tumanggi     ang pastor makipagkita sa akin. Sinabihan ako ng isang taga simbahan. Sinabi ko sa kanya ‘ako ay isang Libyano ‘. Sinabi niya, “Imposible, hindi ka maaaring maging isang Libyano .” Sumagot ako, ” Palalaya-in ako ng katotohanan at ako ay nabubuhay sa pag-ibig ni Cristo.”

Nang nilisan ko ang gusali , nalaman ko kung bakit tumanggi ang pastor sa pakipagkita sa akin – may mga pulis na naghihintay sa aking kotse.  Nais ng isa sa kanila na makipag-usap sa kanya sa kanyang kotse. Sinabi niya sa akin na ako ay nasira-an ng bait. “Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” Tanong niya. Sinabi ko sa kanya na inaaral ko ang iba’t ibang mga relihiyon at hindi ko alam na bawal pala ang pumunta sa isang simbahan. Bago ako umalis, kinuha niya ang numero ng akingtelepono , ang aking tinitirhan, kung saan ako   nag-aaral, at iba pang mga bagay-bagay. Dahil doon hindi na nakabalik sa simbahan. Kapag tinanong ko ang aking kaibigan tungkol dito , sinabi niya na ipinagbabawal ang pangangaral sa aking bansa at kung sino ang magpalit sa relihiyon ng Kristiyanismo siya papatayinn. ”

Isa sa pinakamahirap na bagay para sa mga Libyanong tagasunod ni Jesus ay ang kalungkutan. Matindi ang kanilang paghahangad na makadalo sa mga pagtitipon ng ibang mananampaltaya at magpapalakasan ng loob upang manatiling maging malakas sa kanilang pananampalataya. Bilang bahagi ng katawan ni Kristo, maaari tayo maghikayat at palakasin ang ating mga kapatid na Libyano sa pamamagitan ng ating mga panalangin.

Sa linggong ito, ipagdiwang ng mga Muslim ang Eid al Fitr , tatlong araw ng pagdiriwang para sa pagtatapos ng Ramadan, ang banal na buwan ng pag-aayuno. Lalo itong hinahangad ng mga Libyanong mananampalataya ang kanilang pananabik upang maranasan nila ang pagiging bahagi ng isang espirituwal na pamilya at ma-ipagdiwang ang kanilang pananampalataya kay Jesus sa mga panahong ito.

Magbasa , magnilay at manalangin gamit ang 1 Corinto 12 : 12-27


15-07-09

Ang makitid na pasukan

” Pumasok kayo sa makipot na pintuan. Sapagkat maluwang ang pintuan at malapad ang daang papunta sa kapahamakan, at ito ang dinaraanan ng marami.

Mateo 7:13

Palaging naniniwala si Ahlam na nilikha siya at mahal siya ng Diyos. Sa edad na anim na nagsimula siya sa pagdarasal at pag-aayuno. Ibig niyang magbasa ng Quran , na may kasabay ng pag-iyak tanda ng pag-ibig sa Diyos. Siya rin ay may mga katanungan ngunit hindi siya nangahas magtanong dahil ayaw niyang magalit ang Diyos.

Isang gabi nananginip siya na siya ay nasa isang madilim na lugar sa gitna ng mga patay na katawan at mga bungo. May isang maliwanag na puting kamay na nakaunat , at kinuha ang kanyang kamay, at itinaas ito. Sinikap niyang tanggihan ito at naramdaman niyang bumabagsak ang kanyang kamay, ngunit hindi siya pinakawalan nito. Sumigaw siya at napalukso mula sa kanyang kama. Siya ay naguluhan at ramdam niya na ito ay hindi isang normal na panaginip, kaya tinanong niya ang Diyos upang ipaliwanag ito sa kanya.

Isang araw nang siya’y sumasagap ng iba’t-ibang mga pihitan sa telebisyon , nakita niya ang isang pastor na nagsabi, ” Ikaw ay itinataas ng Diyos mula sa kamatayan patungong buhay. ” Tinamaan siya ng mga salita na iyon at nag-isip siya at naitanong niya kung siya ay patay at maaring ba siyang bigyan ng Diyos ng buhay?

Basahin, magnilay at manalangin gamit ang Efeso 2


15-07-03

Ang pagnanais ng kapatawaran

Lahat tayo’y naging marumi sa harapan ng Diyos; ang mabubuting gawa nati’y maruruming basahan ang katulad.  Nalanta na tayong lahat gaya ng mga dahon; tinatangay tayo ng malakas na hangin ng ating mga kasamaan.

Isaias 64 : 6

Sa Ramadan maraming Muslim nagsasanay ng kanilang pananampalataya na mas mainit , at umaasa na ang kanilang mga kasalanan ay napatawad na. Isang Libyanong kapatid nagbabahagi ng kanyang paglalakbay sa kanyang paghahanap kay Jesus sa ibaba:

Ang aking pamilya ay tunay na mapagmahal at mapagbigay. Tinitiyak nila na maibigay sa akin ang lahat ng bagay na kailangan ko. Kami ay isang normal na pamilya na nakakaranas din ng mga karaniwang problema na nakakaya din naman naming harapin.

Nag-umpisa ako manalangin nang tapat nang ako’y nagbininatilyo. Sa labing-anim na taong gulang, ako ay naging napaka- tapat sa ritwal na panalangin at nagbibigay ng mas maraming sa pananalangin hangga’t maaari. Ngunit hindi ko pumupunta sa araw ng  panalangin tuwing Biyerne sa moske dahil naisip ko ang mga tao ay mapagkunwari at kahit ang pangaral ng Sheikh ay tila puno ng paulit-ulit na mga salita.

Kahit sa aking mga panalangin , nadama ko na ang Diyos ay tunay na malayo sa akin. Tila ang lahat ng aking mga panalangin ay ibinuhos sa lupa at walang sagot mula sa Diyos. Mula sa pagkabinatilyo ko , palaging pinaniniwalaan na ang dahilan ng  Kanyang katahimikan ay ang aking kasalanan, na kung saan ay isang hadlang upang pigilin ko ang pasulong ng aking buhay. Kinasusuklaman ko ang aking sarili dahil sa mga kasalanang ito. Ako ay nanalangin nang taimtim tuwing alas-3 at alas-4 sa umaga. Gusto kong umiyak at manalangin, humihilingg sa Diyos na mapalapit sa akin at protektahan ako mula sa aking mga pananagutan at kasalanan.  Ngunit hindi ako nakakatanggap ng  tugon mula sa Diyos. Pakiramdam ko hindi niya ako tinatanggap at papatawarin

Kalungkutan ang aking mga kasamahan at kasalanan ang aking mga kaaway. Nakatuon ang aking sarili sa pagbabasa ng Qur’an at sinubukan kong basahin ang buong libro sa panahon ng buwan ng Ramadan, tulad ng ginagawa ng maraming Muslim sa panahon sa buwan na iyon. Ako ay nabigo , at iyon ay isang malaking pagkabigo sa akin. Ako ay nanalangin , ” Patawarin mo ang aking kasalanan , O Panginoon, sapagkat ito ay malaki.”

Gusto kong pumunta sa dalampasigan at iba pang mga liblib na lugar upang  mapag-isa at mapalapit sa Diyos na lumuluhang nananalangin. Nananatili akong binabagabag ng aking kasalanan. Parang may nagsasabi sa akin na ito ay hindi kailanman hindi ako nito iiwanan.  Alam kong ito ay ang Diyablo na naghahanap upang sirain ang lahat ng sangkatauhan. Naghanap ako sa internet para sa mga sagot. Nakausap ko ang isang relihiyosong lider tungkol sa kasalanan , ngunit ang kanyang mga salita ay may poot at lalo akong natakot. ” Susumpain ka ng Dios sa araw ng pagkabuhay !” sinabi niya. “Ikaw ay tulad ng isang baga sa impiyerno at hindi mo maaaring baguhin ang iyong buhay -. Masusunog ka sa mga apoy. ” Nabubuhay ako sa dagat ng pagkatakot.

Sa aking lubusang pagnanasa na mapatawad , kalaunan itong Libyano ay nakakilala kay Jesus. Tuwing Ramadan , maraming Libyano ang nanaanalangin ng higit pa at nagbabasa ng Qur’an , upang makatanggap ng kapatawaran. At gayon pa man , sila ay lalong nabigo at walang saysay ang buhay. Gamitin ang Mga Awit sa ibaba upang isigaw sa Diyos para sa mga Libyano. Ipanalangin na lalo pa sila magnanasa para sa kanilang kapatawaran at ito ang magtulak na tumawag sa Diyos.

Magbasa , magnilay-nilay at manalangin gamit ang Awit 51


15-06-25

Ang paglapit sa Diyos

– kuwento ng isang mananampalataya

Sinabi ni Yahweh sa kanyang bayan,” tumayo kayo sa panulukang-daan at magmasid; hanapin ninyo ang lumang kalsada, at alamin kung saan ang pinakamabuting daan. Doon kayo lumakad at magtatamo kayo ng kapayapaan.”

Jeremias 6:16

“”Ako ay isang Libyano, dating Muslim. Tinanggap ko si Jesucristo bilang aking Panginoon at Tagapagligtas at alam ko na Siya ay, at alam ko siya ay noon, ngayon, at magpakailanman ang daan, ang katotohanan, at ang buhay.

“Noong ako’y bata pa, madalas akong nagbabasa at nagsasanay  sa anumang sa akala ko’y mapapalapit ako sa Diyos. Hanggang sa isang gabi, mga ilang taon na ang nakakaraa,  sa buwan ng Ramadan. Pagkatapos ng  nananalangin , nakarinig ako ng isang dayuhan sa telebisyon  nagsasalitaa kung paano ang Diyos bumaba ditto sa lupa upang bayaran ang multa ng mga kasalanang nagawa ng lahat. Narinig ko kung paano pinatawad tayo ng Diyos at nag-aalok sa atin ng buhay na walang hanggan kung tatanggapin natin ang Kanyang gawain sa krus. Isang bagay ang nagpagulo sa isip ko.  Ito ay naiiba sa mga kuwento na natutunan ko mula sa Qur’an , at nais kong pang malaman ang iba pa. Nadama ko na parang ako kinaladkad at inakay pababasa ‘dead end’na daan, sa buong taon na aking paghahanap.

” Nanood ako ng mga Kristianong programa sa telebisyon at naitama ng Diyos ang aking malabo na pang-unawa at napuno ang aking pagkagutom na makilala siya. Sa mga panahong yaon, ang telebisyon lamang ang maaring mong magagamit upang malaman mo ang tungkol sa kanya.  “Pagkatapos ng ilang panahon, nalaman ko na kailangan ko si Jesus sa aking buhay. Nakita ko na hindi lamang Siya isang propeta na nagpakita ng isang halimbawa para sa katuwiran , ngunit Siya rin ay aking Diyos na nagmahal sa akin. Isinakripisyo niya ang Kanyang sarili sa krus upang ako’y ligtasin at bigyan ako ng pag-asa, buhay, at kaginhawaan – lalo na sa pinakamahirap na yugto ng aking buhay.

“Nagkaroon ako ng maraming teolohikal na katanungan, ngunit sa panalangin, inihayag ng Panginoon sa akin ang lahat ng mga sagot, at ako ay dumating sa tamang landas patungo sa Kanya. Amen. ”

Sa buwan na ito ( Ramadhan ) ang mga Libyano (kasama ang mga Muslim sa buong mundo ) ay nag-aayuno. Tutawag tayo sa Diyos sa para sa kanila upang magkaroon sila ng pang-unawaan nila ang pag-ibig ng Ama para sa kanila sa pamamagitan ni Hesu-Kristo.

Basahin , magnilay at manalangin Juan 14: 20-29


15-06-18

Ramadan

“Sa araw na iyon ay aawitin ng mga tao ang ganito:

“ Yahweh, ikaw ay aking pasasalamatan, sapagkat kung nagalit ka man sa akin noon, nawala na ang galit mo ngayon, at ako’y iyong inaliw.”

Isaias 11:10

Hend ay isang 20 -taong gulang na babae na nakatira sa isang maliit na komunidad sa bansa ng Libya. Mahal niya ang Ramadan, sa panahon kung saan ang mga Muslim sa buong mundo ay nag-aayuno mula madaling araw hanggang sa paglubog ng araw . Unang nagsimula si Hend na mag-ayuno ng buong – pag-iwas sa lahat ng mga pagkain at mga likido- noong siya ay 12 taong gulang lamang. Siya ay hindi sapilitang magsimulang mag-ayuno sa kanyang kabataan. Pinili niya mag-ayuno dahil gusto niyang maramdaman na bahagi siya sa pandaigdigang komunidad ng Muslim.

Ang Ramadan ay oras sa pagbigkas ng mga espesyal na panalangin at magbasa ng buong Qur’an. Ang buwan ng pag-aayuno ay isa sa limang haligi ng Islam, kung saan ito ay mga obligasyon na dapat gawin ng mga Muslim para makapunta sa Paraiso. Sa buwang ito,  posibleng mai-double ang iyong mga gantimpala mula sa Diyos at humingi ng kapatawaran mula sa nakalipas na mga kasalanan. Bago magmadaling araw, tuwing umaga,si Hend at ang kanyang pamilya ay gumigising para kumain ng kanilang huling pagkain at manalangin ng kanilang unang panalangin sa araw na ito, at pagkatapos ay hindi sila kumakain o uminom ng kahit ano hanggang sa pagputol ng pag-aayuno pagkalubog ng araw.

Pagkatapos ng kanilang pag-aayuno, na may ‘dates’ at gatas, ang kanyang pamilya ay nag-iipon-ipon sa salas , isa sa kanyang mga tiyo ang nangunguna sa panalangin pagkalubog ng araw. Kumakain sila ng hapunan , at pagkatapos pupunta ang mga lalake sa sa moske at manalangin ng kanilang huling panalangin sa ng araw na yaon,  habang si Hend at ang kanyang kapatid na babae, ang kaniyang ina ay nananalangin sa bahay. Natatapos ang araw na may isang boluntaryong Ramadan na panalangin, ang Taraweeh ,inaalay habang binibigkas ang Qu’ran.

Mahal ni Hend ang mga gabing ito. Bilang karagdagan sa mga espesyal na panalangin , ito rin ay oras ng kainan at pagbisita sa mga kaibigan at kapitbahay.


15-06-11

Mga Hamon sa pagsunod kay Jesus

“Kaya’t kung nakipag-isa na kay Cristo and isang tao, isa na siyang bagong nilalang. Wala na ang dati niyang pagkatao. Sa halip ito’y napalitan na ng bago.”

2 Corinto 5:17

 “Ang aking buhay ay lubos na nagbago mula ako’y naging isang tagasunod ni Jesu-Cristo. Natutunan kong mahalin ang lahat ng tao nang walang pasubali , sino man o kung saan sila nanggaling. Natututo akong patawarin ang mga tao kapag sila ay nagkamali Sa ibang salita, ako ay naging isang bagong tao.

“Gayon pa man , maraming hamon ako hinaharap bilang isang tagasunod ni Jesus sa Libya. Ang aking pamilya , at lalo na ang aking mga magulang, hinihimok ako  at patuloy na nagtatanong kung bakit hindi ko gingawa ang Salaat – limang araw-araw na panalangin sa Islam. Minsan pag Biyernes , pumunta ako sa sa moske para tumigil na sila sa pangugulo. Ang aking mga magulang ay mga relihiyoso. Ang aking ama ay pmuupunta sa moske at nagbabasa ng aking ina ng Qu’ran araw-araw. Nagkalabu-an ang relasyon sa isa’t isa. Isa pa,  Sa aming lipunan mahalaga ang karangalan at mabuting pangalan.  Kung alam ng mga tao ang tungkol sa aking pananampalataya, madudumihan ang aking’reputasyon -pati na rin ang aking buong pamilya.  Maituturing akong kahihiyan  at dadalhin ito ng aking pamilya sa maraming panahon.

“Nakatira ako sa isang Muslim na lipunan samakatuwid Islamic din ang batas ang inilalapat. Ibig  sabihin, maaaring akong patayin gawa ng aking pagtatakwil sa Islam.

“Sa aking lipunan, ang mga taong nagpasyang sumunod kay Jesus ay magdusa mula sa lahat ng uri ng pag-uusig. ”

Ramadan, ang banal na buwan ng pag-aayuno para sa mga Muslim , ay nagsisimula sa loob ng isang linggo. Maraming mga mananampalataya, tulad ng ating Libyanong kapatid na nagsulat ng mga salita sa itaas, ginugulo ng mga katanungan, “Ano ang ginagawa ng isang tagasunod ni Jesus sa mga panahong ngayon? Paano ko parangalan ang Diyos at maakay ang aking pamilya patungo sa Kanya? Paano ako mamuhay bilang tagasunod ni Jesus sa aking kultura? ”

Makiisa tayo sa kanila sa panalangin


15-06-04

Ang Kwento Tungkol Sa Dalawang Pamahalaan

“ Purihin ang pangalan ng Dios magpakailan man: sapagka’t ang karunungan at kapangyarihan ay kaniya. At kaniyang binabago ang mga panahon at mga kapanahunan; siya’y nagaalis ng mga hari, at naglalagay ng mga hari; siya’y nagbibigay ng karunungan sa marunong at ng kaalaman sa makakaalam ng unawa;

Daniel 2:20-21

Mula noong Hulyo 2014, dalawang gobyerno ang namamahala sa bansa ng Libya:  Ang Pambansang pamahalaan ng Kaligtasan (National Salvation Government)sa Tripoli at ang Kapulungan ng mga Kinatawan (House of Representatives)na pinamumunuan ng Punong MInistro Abdulla al-Thinni. Ang pamahalaan ay nahati sa dalawa, kasunod ng halalan sa Kapulungan ng mga Kinatawan noong Hunyo 25. Natalo ang mga Islamista sa mayorya sa loob ng Kapulungan ng Kinatawan. Mataas ang tension, salamat na nailunsad upang ilunsad sa kampanya upang himukin palabras ang mga extremista sa silangan ng bansa.

Bago pa man ang Kinatawan mag-umpisa sa kanilang trabaho sa opisina, ang Misrata Brigades – kilala rin bilang ‘Libya Dawn’ – inatake sa paliparan sa Tripoli, na nagreresulta sa dalawang linggong labanan. Ang paliparan ay lubos na nasira , at ang malapit na Brega petrolyong pasilidad ay inatake .

Nagdesisyon ang mayorya ng mga bagong membro na nahalal sa Kapulungan sa Tripoli na lumipat sa Tubrok dahil sa sitwasyong walang katatagan.  Nang naging matatag sa Silangan, kinuha ng Misrata Brigades ang mga pamahalaan sa Tripoli at nagtatag ng Pambansang pamahalaan ng Kaligtasan sa pamumuno ng Punong Minsitro Omar Al-Hassi.

Noong Octubre 2014, nagpasya ang Korte Suprema ng Libya na ang halalan noong Hunyo ay ilegal at kailangang buwagin ang Kapulungan ng mga Kinatawan. Wala silang ibinigay ng rason kaya hindi pinansin ng Kapulungan at ng Internasyonal ng komunidad.

Kumikilos ang ‘United Nations Support Mission’ sa bansa ng Libya (UNSML)kasama ang mga pinuno ng bansa para makapagtatag ng isang nagkakaisang pamahalaan. May kondisyon ang ginawang pag-aangat ng ng armas sa Libya kondisyon sa pormasyon ng nasabing pamahalaan. Samantala,  ang Libyan National Army na (kumakatawan sa pamahalaan ng Tobruk)kasama ng pagsuporta ng bansa ng Egypto – ay ay may ginagawang pagkilos para sa agarang pag-alis ng Embargo , na nagsasabi na ,dahil sa kawalan ng mga armas , lalo nadagdagan ang  kaguluhan at lumago ang presensya ng Estado ng Islamik.

Ang parehong panig ng pamahalaan ay humiling ng ilang mga ” kundisyon ” upang matugunan ito bago sila sumali pa-uusapan na itinatag ng UN. Nakakaramdam ang Kapulungan ng mga Kinatawan na ang mga internasyonal na komunidad ay nagbigay sa labis-labis na platform sa mga

Islamista ( Tripoli ) sa  dahilan  na ” nagpakita silang may mga  baril ” kasunod ng pagkawatalo sa halalan.

Mga nakahanay sa Pambansang Pamahalaan ng Kaligtasan naniniwala na ang kanilang pagkuha sa kapangyarihan ng Tripoli ay makatarungan at  samakatuwid, dapat sila ay maging isang tinig.

Samantala , maraming iba pang mga grupo sa loob at labas ng dalawang magkasalungat na mga pamahalaan ay nagpapaligsahan din para sa kanilang sariling agenda, na nagpapahirap sa planong  pagsasayos ang mga nagkakanya-knaya.

Ang karamihan ng mga Libyano ayaw na ng mga alitan sa pagitan ng mga paksyon . Nais ng mga mamamayan sa bansa  makita ang katatagan at seguridad na manumbalik  upang bumalik na sila sa normal na buhay.

Sa pag ukol nating sa oras ng panalangin para sa pamahalaan ng Libya sa linggong ito, hilingin natin sa Banal na Espiritu, upang ihayag ang Kanyang plano. Anong uri ng pamahalaan ang pinaka- kapaki-pakinabang upang magabayan ang lahat sa panahon ng pag-aani?


15-05-29

PAMPALAKAS NG KALOOBAN

MULA KAY JESUS

Ako’y nakakatulog at nagigising, buong gabi’y si Yahweh’y tumitingin.

Awit 3:5

Nag-aaral si Hamid tungkol kay Jesus at siya’y nabibighani sa kanya. Walang kamalay-malay ang kanyang pamilya, nagbukas siya ng TV sa ‘Christian’ na estasyon at nagdesisyon na sumunod kay Jesus.

At ng dumating ang karahasan sa bansa ng Libya, umalis si Hamid at ang kanyang pamilya sa kanilang bansa sa isang maikling panahon.  Sa pamamalagi nila sa kanilang nilipatang bansa, sinubukan ni Hamid na sumamba sa isang iglesia doon pero siya ay nabigo. Nagsuspetsa ang kaniyang mga magulang sa kanyang bagong debosyon at hindi sila natuwa. Lubos siyang natakot na bumalik sa kanyang bansa.

Nananaginip si Hamid kung saan siya ay nasa isang madilim na lugar.  Siya ay natatakot at umuiiyak.  May nakasalubong siyang mama at tinanong siya kung ano ang problema. “ Natatakot akong magpatuloy sa aking biyahe” sagot niya.  “Napakadilim.”

Sagot ng mama, “ Magpatuloy ka at may makikita kang bahay na tumutulong sa mga taong nangangailangan. Nagpatuloy sa Hamid sa paglakad at natagpu-an niya ang bahay. Kumatok siya sa pintu-an at isang mabigoteng mama na maliwanag at nakasuot ng putting suot ang bumukas ng pinto.

Tinanong niya ng mama, “Bakit ka umiiyak?”  “Natatakot akong lumakad sa silim,” sagot ni Hamid.

“ Nasa ilalim ka na ng aking proteksyon”, sagot ng Mama. Walang mananakot sa’yo.” Pumasok ka.”

Bumalik si Hamid sa kanyang bansa pagkatapos ng pangyayaring ito at siya’y nanatiling sa Panginoong Jesus.

Si Khaled, ang isa pang mananampalataya kay Jesus, ay nagkwento sa isang relihiyusong mama kung paano nagpakita sa kanya si Jesus sa isang panaginip. Kinumbinsi siya ng mama at sinubukan siyang ibalik sa Islam.  Ngunit isang araw, pumunta siya kay Khaled at kinuwento niya ang kanyang panaginip at sinabihan siya ni Jesus na oras na upang maglingkod sa kanya. Nagdesisyon siya na maging tagasunod din ni Jesus.

Kahit na maliit ang ‘access’ ng mabuting balita, maraming mga Libyano ang tumutugon sa panawagan ni Jesus.  Hindi kaya ng lakas ng tao at mga relihiyusong batas ang pumigil para si Jesus ay di papasukin.  Papurihan si Jesus at hilingin sa Kanya  ang mas malakas pa na pagbuhos ng kapangyarihan ng Banal na Espiritu at pagpapahayag sa mga Libyano.

Basahin, manalangin at pagbulaybulayan ang aklat ni Joel 2:28-32


15-05-21

KAWALANG KATATAGAN AT MGA PAGHIHIRAP NG MGA MIGRANTE

Sapagka’t ang Panginoon ninyong Dios, ay siyang Dios ng mga dios, at Panginoon ng mga panginoon, siyang dakilang Dios, siyang makapangyarihan at siyang kakilakilabot, na hindi nagtatangi ng tao ni tumatanggap ng suhol. Kaniyang hinahatulan ng matuwid ang ulila at babaing bao, at iniibig ang taga ibang lupa, na binibigyan niya ng pagkain at kasuutan.

Deutrenomio 10:17-18

Noong Abril 18 ng taong ito, isang barko na lulan ng mga ‘refugee’ na may higit na 700 ka mga tao ay nalunod sa karagatan ng Mideterranian sa pagitan ng Libya at Italyanong isla ng Lampedusa. Dalawampu’t walo lang ang nakaligtas.

Ang baybaying Libya ay tatlumpong daang kilometro lamang mula sa Lempadusa.  Ang isla ay kumukupkop sa libu-libong ilegal na migrante

Ang bansa ng Libya ay madalas na ginagamit na lagusan ng mga Afrikanong migrante kung nagbibiyahe. Pagkatapos na taong 2011 na rebolusyon na nagpabagsak kay Gadhafi, ang ilegal na negosyo ng pagpupuslit ng tao ay tumaas. Ang bansa ng Libya ay may 1,770 kilometro ng baybay-dagat at 5000 na kilometro ng disyertong hangganan at kakaunti ang mga tao. Dahil sa

walang epektibong sentral na awtoridad, hayagan silang nagpupuslit ng mga tao. Ang mga armadong pwersa na kumukontrol sa malaking bahagi ng bansang Libya ay malaki di mumano ang nakukuhang pera sa ilegal na pagpupuslit ng tao, sa paraan ng kanya-kanyang pag-oorganisa o paniningil sa mga grupo na dumadaan sa kanilang tritoryo. Dahil sa pagtaas ng demanda, mataas din ang sinisingil ng mga ‘smugglers.’ Sa bawat kargadong bangka na umalis galing Libya, kumikita sila ng libu-libong dolares.  May ilan sa mga ‘smugglers’  gumagamit ng Facebook para itaguyod sa mga desperadong  migrante na makatakas sa gulo at kahirapan sa Gitnang silangan at Africa.

Ayon sa United Nations, mahigit sa 110,000 na migrante ang tumawid sa teritoryo ng Libya noong taong 2014 lamang.  Mga 1,300 ka tao ang namatay sa unang tatlong linggo ng Abril palang at naglagay ng taong 2015 na pinakanakapangingilabot na taon para sa mga migrante.

Paano mapigil itong ilegal na paglalakbay?  Paano maresolba ang problema ng  mapanganib na paglalayag ng mga migrante papuntang Europa? Ito ay kumplikadong problema:  kahirapan, gulo, mga sakim na mga nagpupuslit, hindi mapagmalasakit na gobyerno at mga tiwali ng mga opisyales.  Sinabi ni Jesus sa atin na alam Niya kapag ang isang ay nahuhulog sa lupa, ganon din ba ang pagpapahalaga ni Jesus sa mga buhay ng mga migrante? Patahimikin mo ang  iyong puso sa harap ng Diyos at tanungin ang Banal na Espiritu na magbigay sa iyo ng kanyang mga saloobin na ipanalangin ang mga migrante , ang mga nagpupuslit, at ang iba’t ibang pamahalaan ( Libyano, Africano, Mga Arabu at mga taga-Europa. May pananagutan ba ang pandaigdigang simbahan?

Basahin, magbulay-bulay at manalangi gamit ang Mateo 25:31-46


15-05-15

ANG DAAN, KATOTOHANAN AT BUHAY

Sumagot si Jesus, “ Ako ang daan, ang katotohanan, at ang buhay.  Walang makakapunta sa Ama kundi sa pamamagitan ko.

Juan 14:6

Lumaki si Yahyah sa isang tipikal na Islamik na kapaligiran. Nag-umpisa siyang magbasa ng Qur’an nang siya ay 18 taong gulang.  Nang makatapos siya sa mataas na paaralan, naging kaibigan niya si Radwaan sa isang unibersidad.  Si Radwaan ay naging  tagasunod ni Jesus, mga ilang taon na nag nakalipas ngunit hindi niya muna ibinahagi kay Yahyah sa umpisa.  Mga ilang buwan na ang lumipas, sinabi niya kay Yahwah ang tungkol sa kanyang pananampalataya.  Nabigla si Yahyah.  Pinagpasyahan niyang ihinto ang  pakikipag-usap kay Radwaan sa dahilan na siya ay isang ‘infidel.’  Ngunit nakalipas ang dalawang linggo, nakadama siya ng pagnanasa na makipagkasundo sa kanya  at alamin kung bakit tinanggihan niya ang Islam.  Gumugo sila ng oras at araw sa pagtalakay ng parehong relihiyon. Sinubukan ni Yahyah na ipagtanggol ang Islam at sirain ang pananampalataya ni Radwaan ngunit natuklasan niya mahina ang kanyang sariling argumento at walang batayan kumpara sa argumento ni Radwaan.

Lalong naguguluhan si Yahyah.  Ipinahayag ni Radwaan sa kanilang debate na hindi totoo ang kanyang pananampalataya at namana lamang niya mula sa kanyang pamilya. Itinakwil niya ang Islam.  Naging ‘atheist’ siya at kinamumuhi-an niya ang mga taong relihiyoso at lalong lalo na ang mga Kristyano at mga muslim. Dumating sa punto na siya ay nadepress. Sinasabi ng kanya ng isip na huwag na niyang pagtuunan ng pansin ang tungkol sa Diyos, ngunit ang kanyang puso ay naghahanap ng isang tagapagligtas.

Pagkatapos nito, siya ay malubhang naaksidente sa sasakyan at mahimalang nakaligtas. Nang siya ay  nagpapagaling, napag-isipan niya kung ano ang kanyang kahihinatnan sa kabilang buhay. Kung buhay ang Diyos, saan siya pupunta? Sa langit ba o sa impiyerno. Seryoso siyang naghanap ng katotohanan pati sa internet para malaman niya ang tungkol kay Jesus.  Sa patuloy niyang pagbabasa tungkol kay Jesus, lalo niya Siyang minahal ngunit may mga bagay na  nagsasabi sa kanya na layu-an niya si Jesus. Sa kanyang desperadong sitwasyon, isang araw sa napaiyak siya. Makalipas ang ilang sandali , nagkaroon ng isang panaginip si Yahyah. . Isang mama ang pumunta sa kanya at bukas ang kanyang mga braso na handa siyang yakapin. ‘Jesus’ lamang ang nasambit ng mamang yaon.  Nagising si Yahyah at napag-alaman niya na si Jesus ang katotohanan, ang daan at buhay at kaagad-agad niyang tinanggap si Jesus bilang Panginoon at Tagapagligtas.

Basahin, pagbulaybulayan at gamitin ang Juan 10:9-16 sa panalangin.


15-05-07

MGA EPEKTO  NG PATULOY NA KARAHASAN AT KAWALANG KATATAGAN

Iginala ko ang aking paningin sa buong daigdig, at nakita ko ang kawalan ng katarungan.

Mangangaral 4:1

Nagkaroon ng kaguluhan sa kalagitnaan ng larong bola ng mga bata. Dahil sa init at halumigmig naging iritable ang lahat,  ngunit ang kawalan ng katiyakan sa bansa ay ang tunay na pinagmulan ng tension. Nang nagsimula ang mga bata na sumigaw at nagkasakitan ang bawat isa, ang isa sa mga magulang ay dumating at inatake ang bata na nanakit sa kanyang anak.  Dali-dali silang tumakbo pauwi sa kanilang bahay ay sinabi sa kanilang ama ang nangyari. Sa galit, galit , kinuha niya ng isa sa kanyang mga baril at lumabas na sumisigaw ng sumpa sa kanilang kapitbahay na mga bata at kanilang ama. Gamit ang baril , pinatay ang mamang yaon ang kanyang kapitbahay. Nang kumalat ang balita tungkol sa nangyari, naglakbay ang lahat na mga kapatid na lalaki at mga pinsan ng pinatay nito, mula sa kanilang bayan papuntang sa lungsod, daladala ang  mas marami pang  baril at mas malaking mga armas. Sa kanilang paghihiganti, pinatay nila ang mamang pumatay sa kanilang kamag-anak at winasak ang kanyang bahay sa gamit ang ‘rocket-propelled’ na mga granada.

Ayon sa isang survey na natapos noong Oktubre 2013, maramig mga Libyano ang dumanas sa problema ng kalusugan sa kaisipan dahil sa patuloy na karahasan at kawalan ng batas. Ang kalagayan ay maaaring may mas masahol pa mula noon. Napapagod na ang mga tao dahil sa karahasan, gayon pa man walang tigil pa rin ito o ang mga paghihirap at poot. Ang kanilang mga pangarap ng mas magandang  hinaharap ay nawasak.  Itaas natin sila sa mabiyayang Trono ng Diyos: na maging bukas ang kanilang tenga sa boses ng Mabuting Pastol.

Basahin, manalangin at pagbulaybulayan ang Isaias 30:15-21


15-05-01

MGA MANGGAGAWA

Napaparangalan ang aking Ama kung kayo’y masaganang nagbubunga bilang aking mga alagad.

Juan 15:8

Sa kamakailang kasaysayan, maraming naaakit na mga dayuhan mula sa Africa, Asya, at sa Gitnang Silangan dahil sa mga opportunidad na makapagtrabaho sa bansang Libya at ang kaakit-akit na suweldo. Ang ilan ay may matataas na kakayahan  at nagtatrabaho sa mga gamot, mga proyekto sa enhinyero, negosyo, at edukasyon.  Ang may mababang kakayahan ay gumagawa lang ng mababang uri ng trabaho, para maka-ipon man lang at makapadala sa mga kamag-anak sa kanilang pinanggalingan na bansa.

Ang bilang ng mga dayuhan ay bumaba  dahil sa patuloy na karahasan at walang katatagan sa pulitika, ngunit marami pa ring nananatili.  Ang ilan sa mga dayuhan ay kristyano sa pangalan lamang at bahagi lamang ng kultura ang kanilang relihiyon samantalang ang iba naman ay may tunay na relasyon sa buhay ng Diyos.  Sa mga may tunay na relasyon sa buhay na Diyos, ang kanilang pagtrabaho doon ay isang panawagan sa kanila na magsilbing ilaw at asin sa buong mundo.

Ngunit  karamihan sa mga dayuhang mananampalataya ay hindi makakilos dahil sa takot. Sa nakalipas na taon, ang ilan ay namatay , inatake o ikinulong dahil sa kanilang pananampalataya.  Mukhang ito ang mensahe sa kanila: panatilihin ang isang mababang disposisyon at huwag magbahagi ng Salita ng Diyos.

Sa linggong ito  maraming mga bansa ang magdiwang ng Araw ng mga Manggagawa . Hilingin sa Panginoon ng tag-ani na magpadala ng marami pang manggagawa at  tawagin ang mga manggagawa mula sa loob at labas ng bansang Libya paroon sa anihan. Hilingin sa Banal na Espiritu na ipahayag ang mga sagabal sa pagpigil ng mga mananampalataya na sumunod sa kanilang panawagan at ipanalangin din na mapagtagumpayan nila ito.

Basahin, pagbulaybulayan at gamitin sa panalangin ang Roma 10:13-16


15-04-23

Sebha

Ako pa kaya ang hindi malulungkot sa kalagayan ng Nineve?  Ito’y malaking lunsod na tinitirhan ng mahigit na 120,000 taong hindi alam kung ano ang mabuti o ang masama, bukod pa sa maraming kawan!”

Jonas 4:11

Ang lungsod ng Sebha ay isang bayan sa disyerto na matatagpuan malapit sa isang ‘oasis’ sa timog-kanluran  ng bansang Libya na may populasyon  na umabot sa 130,000 ka tao.  Ayon sa kasaysayan, ito ay ang kabisera ng rehiyon Fezzan .  Ito ay isa sa mga  tradisyonal na tanggulan ni Gaddafi at ang pinakahuling lungsod na bumagsak noong rebolusyon, taong 2011. Mula noong taong 2012,  ang mga ‘Arab Ethnic’ at mga tribu ng mga ‘Black Africans’ ay  nagkakasagupaan sa isa’t isa, at nakikipagkumpitensya para sa mga lokal na kapangyarihan at internasyonal na pagkilala .  Dahil sa

Malamig ang samahan sa pagitan ng mga mandirigma ng Tebu ng ‘Black Africans’ at Arab Ethnics kaya walang katatagan ang lugar na ito.

Dahil sa kawalan ng kontrol ng pamahalaan, ang mga rehiyon sa dakong timog  ay nagbibigay ng ligtas na lugar para sa gawain ng Islamista at mga extremist.  Sa simula ng 2015 umatake ang mga kaalyado ng mga Islamista laban sa mga sundalo ng gobyerno malapit sa Sebha at labing-apat ang namatay sa kanila.

Ang Sebha ay isang mahalagang bayan para sa paglalakbay papuntang Sahara,  may mga kargang tao at iba pang mga mabibigat na kargamento ang mga track na dumadaan doon para sa mga destinasyon tulad ng Chad , Niger at Algeria. Sa Espiritwal na aspeto, ang bayang ito ay lubos na madilim at mabigat . Ang mga babae ay may kinalaman sa okultismo at pangkukulam at hinahangad nilang ilagay ang sumpa sa ibang mga tao. Ngunit , nagkaroon na rin ng mga binhi ng Ebanghelyo na naihasik sa bayang ito :

Maraming taon na ang nakaraan, may isang Coptikong pamilyang Kristiyano na tumira malapit sa pamilya ni Halima sa Sebha .  Si Halima at ang kanyang mga kapatid na babae ay nakikipaglaro sa mga anak ng pamilyang ito at gustong malaman ang tungkol sa kanilang iba’t ibang mga relihiyusong selebrasyon.

Isang araw ng Biyernes Santo, tinanong ni Halima ang tungkol sa partikular na araw na ito. Ipapaliwanag na sana nila ngunit namagitan ang ina at mabilis na kinuha ang kanyang mga anak at inilayo. Taon na ang lumipas at lumipat na si Halima sa ibang bayan,  nagtataka siya kung bakit natatakot ang pamilyang ito na ibahagi ang kanilang pananampalataya.  Ganun pa man , itong insidente ang nagbigay daan para mag-usisa siya tungkol sa Biyernes Santo at kay Jesus.

Basahin, pagbulaybulayan at gamitin sa panalangin ang Jonas 3:5-10


15-04-17

Mga Pamilya ng mga Mananampalataya

Hindi na ito kailangang gawin sa mga bahaging sadyang maganda.  Nang isaayos ng Diyos ang ating katawan, binigyan niya ng higit na karangalan ang mga bahaging di gaanong marangal, upang di magkaroon ng pagkakabaha-bahagi, at sa halip ay magmalasakit sa isa’t isa.  Kung nasasaktan ang isang bahagi, nasasaktan ang lahat; kung pinaparangalan ang isang bahagi, nagagalak ang lahat.

I Corinto 12:24-26

Pinalo at ibinilanggo ang isang dayuhang Arabu at ang kanyang mga kaibigan sa kaso ng pagturo ng Ebanghelyo.  Habang ang kanyang asawa ay nakaranas ng biyaya ng Diyos, nararamdaman din niya ang hirap sa kanyang kalooban. Pinipilit din siya ng kanyang ‘landlord’ at kapitbahay na umalis. Nang sinubukan niyang bisitahin ang kanyang asawa sa bilangguan, hindi rin maganda ang pagtrato sa kanya ng mga pulis at mga otoridad. Takot ang bumabalot sa kanya: ” Tama ba ang mga ginagawa kong desisyon?” May iba pa bang paraan para gawin ang bagay na ito?” Ang kanyang mga anak ay kinamumuhi-an sa paaralan at ng kanilang mga kaibigan.  Isang araw binisita nila ang kanilang ama , na duguan  ang  mukha, ipinahiwatig na siya ay pinalo . Sumuka ang kanilang batang anak na lalaki pagdating sa bahay at nananaginip ng pangit.

Alam ng mga pamilyang Libyano kung gaano kahirap ang kanilang dinadanas. Pinipilit din sila ng mga di-mananampalataya nilang kamag-anak na iwanan ang kanilang ang kanilang pananampalataya.  Ang ilang mga mananampalataya ay hindi makahanap ng trabaho upang suportahan ang kanilang mga pamilya.  Kinamuhi-an ang  kanilang mga anak sa eskwelahan.  Natatakot ang ibang mananampalataya na baka maikidnap o patayin ang kanilang asawa at mga anak. Dahil dito nagkakaroon sila ng problema sa kanilang relasyong mag-asawa.  Taktika ito ng kaaway upang sila’y matakot at paghihiwalayin .

Tayo’y makiisa sa mga lokal na mananampalataya  at kanilang mga pamilya sa kanilang dinadanas na hirap at atin ding dalhin sa banal na trono ng biyaya ng Diyos.

Pagbulaybulay  sa linggong ito – Awit 18


15-04-09

Kapahayagan ni Jesus 

Sumagot si Simon Pedro, ” Kayo po ang Kristo , ang Anak ng Diyos na buhay.” Sinabi sa kanya ni Jesus, ” Mapalad  ka , Simon na anak ni Jonas! Sapagkat ang katotohanang ito ay hindi inihayag sa iyo ng sinumang tao kundi ang aking Ama na nasa langit.”

Mateo 16:16-17

Nababagabag ang aking puso sa kanyang tanong.  ” Ahmed , nananaginip ka rin ba?”

“Oo , siyempre ,” sinabi niya .

” Nakita mo ba ang isang lalaking  nakaputi sa iyong panaginip?

“Oo !” Tumugon siya .

” Ahmed , sabihin mo sa akin ang  iyong nakita sa iyong panaginip.”

Sinabi niya sa akin na maraming beses niya nakita niya ang taong ito sa kanyang panaginip, ngunit hindi niya kilala kung sino siya . “Ngunit tagubilin niya sa akin na gawin ang mga bagay na ito – bisitahin ang aking nalulungkot na  Lola , at magbigay ng pera sa mga mahihirap. Ngumiti ako. ” Oo kilala ko ang lalaking ito kahit hindi ko siya nakita sa aking panaginip.  Tinanong ko,  “At ginagawa mo ang mga bagay-bagay, kahit na hindi mo alam kung sino siya ? Ibig kong sabihin , hindi mo alam kung siya ay mabuti o kung siya ay masama?  Kung sino siya ? ”

“Naku , siya ay isang mabuting tao, ” Lubos na ipinaliwanag ni Ahmed. ” Sigurado ako diyan.

Sinabi ko kay Ahmed  na tanungin niya ang kanyang pangalan pag magpakita uli siya sa panaginip.

Ipanalangin  si  Ahmed at ang iba pang tulad  niyang, may personal na kinalaman tungkol sa paghahayag mula mismo sa Anak ng Tao.

Basahin, pagbulaybulayan at gamitin sa panalangin ang Juan 3:13-18


15-04-02

Sino si Jesus

 ” Si Cristo ang larawan ng Diyos na di- nakikita. Siya ang panganay na anak at pangunahin sa lahat ng mga nilikha.”

Colosas 1:15

Si Ali ay isang tindero sa Medina , ang lumang bayan . Nang pumasok si Susan , (isang dayuhan) sa kanyang tindahan , tinanong niya, “ Ikaw ba ay Kristiano o Muslim? Sinabi niya na siya ay isang Kristiyano.  Iminungkahi niyang basahin ang Qur’an dahil mayroong isang kabanata tungkol kay Jesus at Maria sa loob nito.  Tumugon siya na ang lahat ng kailangan  niyang malaman ay nasa Biblia.

” Kung ganoon, ano ang mayroon  sa Bibliya ”  Gusto malaman ni Ali.

” Ang lahat ng kailangan ko sa buhay, ” Tugon ni Susan.

Naghahanda na si Ali para sa isang argumento.  “Sino si Jesus?” Tanong niya?  “Sinabihan siya ni Susan  na si Jesus ay Salita ng Diyos.

Sino ang Diyos at nasaan siya? Tanong na may halong utos.  ” Siya ang taga-gawa ng uniberso ; Siya ay nasa langit at ang Kanyang Espiritu ay mas malapit hangga’t sa  iyong mahinang ugat .  At alam mo ba kung sino ang hindi nagkasala na sinasaad  sa Qur’an at Biblia?  Tumugon si Ali na lahat ng tao ay nagkasala.  Nanatiling tahimik si Susan.  Kaya iminungkahi ni Ali na walang nagkasala sa mga Mensahero ( mga propeta). Tumugon si Susan  na isang  tao lamang ang  walang  kasalanan . “Ito kaya ay si Jesus?” Nais  malaman  ni Ali, sa ngayon  medyo sabik na upang malaman ang sagot. Sumagot si Susan. “ Bilang mga Kristiano hindi kami basta na lang nainiwala sa aming naririnig.  Sinasaliksik namin ang Banal na Kasulatan at humihiling sa Diyos na ipahayag niya sa amin. “ Maraming mga Libyano ang maaring nagsasabi na sila ay nainiwala kay Jesus.  Kinikilala nila na Siya ay ang Salita ng Diyos, ngunit para sa kanila si Jesus ay isang mabuting tao lamang, isa pang propeta mula sa Diyos.  Tinatanggi nila ang kanyang pagkamatay sa krus (pati ang kanyang muling pagkabuhay) at siya ang daan patungo sa Ama.  Tanging ang Espiritu ng Diyos lamang  ang makapahayag sa  mga tao na si Jesus ay ang Anak ng Diyos.  Patuloy tayo manalangin  na ipahayag ng Diyos sa mga kaibigan nating Libyano na wala pa sa Panginoon.

Basahin, pagbulaybulayan at gamitin sa panalangin ang Juan 1: 1-37


15-03-26

Sirte

Maging pagbabaka ay napatitigil, sibat at palaso’y madaling sirain;  baluting sanggalang ay kayang tupukin!  Sinasabi niya, “Ihinto ang labanan, ako ang Diyos, dapat ninyong malaman, katas-taasan sa lahat ng bansa, sa buong sanlibuta’y pinakadakila.”

Awit 46:9-10

Nabigla ang buong mundo nang pinugutan ng ulo  ang dalawamput-isa na Cristianong Coptic na kaakibat ng IS sa bansa ng Libya.  Sila ay kinidnap isang buwan bago mangyari ang pagpugot sa Sirte,  isang lungsod na may maraming baybayin na namamalagi sa pagitan ng Tripoli at Benghazi.

Ang Lungsod ng Sirte ay nagsilbing bilang sentro ng administratibo ng panahon ng Italyano na tumagal mula taong 1911 hanggang taong 1934.   Nang ang langis ay natuklasan sa malapit, lumago ang  lugar sa katanyagan at ang  populasyon nito ay umabot sa halos 80,000.  Ito din ang lugar kung saan nanggaling si Gaddafi.  Ipinanganak siya doon at kahulihuli-an doon din namatay.  Pinondohan ng kayamanan ni Gaddafi ang pag-unlad ng bayan. Ito ay naging kilala bilang isang mayamang bayan na may mararangyang bahay.  Karamihan sa mga ito ay ganap na nawasak sa panahon ng rebolusyon .

Lumawak ang lungsod ng Sirte bilang base ng mga militanteng grupo sa kanilang operasyon  mula noong nagkaroon ng pag-aalsa, taong 2011,  dahilan ng pagbagsak ni Muammar Gaddafi.  Tinatayang  may mga isang libong militante ang nakabase sa lungsod na iyon ayon sa isang opisyal sa gobyerno.

Noong Disyembre taong 2014, pinatay ang isang Cristianong doctor at ang kanyang asawa  sa kanilang  tahanan sa parehong lungsod.   Dinukot din ang kanilang 13 taong gulang na anak na babae.  Natagpuan ang kanyang katawan makaraan ang ilang araw.  Sinabi ng pangulo ng lokal na konseho, na ang pag-atake ay may kinalaman sa relihiyon.

Ang lungsod ay isang balwarte ng Ansar alSharia, isang grupong Islamista na nasa maitim na talaan ng United Nation.  Kontrolado din ng Islamistang Fajr Libya koalisyon (Libya Dawn) ang ibang parte ng Sirte.  Noong Disyembre inilunsad nila ang pag-atake laban sa kalapit na mga instalasyon ng langis. Noong Pebrero inatake ng isang armadong grupo ang  ‘oilfield’ ng lungsod ng Mabruk,  mga isangdaan at pitumput kilometro sa timog-silangan ng Sirte.  Napatay ang apat na gwardiya na nagbabantay sa mga pasilidad ng petrolyo at dinukot ang tatlong Pilipinong manggagawa.  Inamin ng mga miyembro ng IS ang pag-atake.

Sa ating pagla-an ng oras para ipanalangin ang lungsod ng Sirte, hingin sa Banal na Espiritu na ipakita ng Diyos ang laman ng kanyang puso at layunin para sa lungsod. Magbigay ng inyong komento sa info@pray4libya.net.

Basahin, pagbulay-bulayan at manalangin    Awit 75


15-03-19

ANG MGA NANAY

At tulad ng pastol,

Yaong kawan niya ay kakalingain,

Sa sariling bisig

Yaong mga tupa’y kanyang titipunin;

Sa kanyang kandungan ay pagyayamanin,

At papatnubayan ang tupang may supling.

 Isaias 40:11

Mataas ang respeto sa mga nanay ayon sa kultura ng bansang Libya.  May isang nagpaliwanag. “Ang langit ay nasa ilalim ng mga paa ng isang nanay.”  Kailangan mong siguraduhin na maayos ang iyong pakikitungo sa iyong nanay.  Kung hindi gayon, baka sabihin niya sa Diyos at maaring malagay sa panganib ang iyong buhay sa dahilan na siya ay may espesyal na kaugnayan sa Diyos.”

May video clip si Fatima ng kanyang panganay na anak na lalaki sa kanyang telepono na ginawa noong rebolusyon.  Sa video clip,  ipinaapaliwanag niya ang dahilan kung bakit siya nakikipaglaban sa rebolusyon.  Namumuhay siya sa bansa ng Malaysia at nagdesisyon sya na bumalik upang tulungan ang kanyang bansa.

Isang araw, tinawagan niya ang kanyang mga magulang na magkita sa oras ng tanghali.  Nasiyahan si Fatima at makikita niya ang kanyang anak makaraan ang kanyang mahabang pagkawala.  Gayunman, noong hapon na yaon, may ilang mga kalalakihan ang dumating sa kanilang bahay daladala ang katawan ng kanyang anak —na namatay sa labanan.  Yaon ay huling araw ng rebolusyon.

Mahirap  para kay Fatima na kayanin ang pagkamatay ng kanyang anak.  Sa kabutihang palad may isang pamilya na lumipat malapit sa kanila.  Ang mga batang anak ng pamilyang lumipat ay nagbigay ng kaaliwan sa kanya.

Sa linggong ito, sa ika-21 ng Marso, ang Araw ng mga Nanay ay ipagdiwang sa bansa ng Libya.  Para sa karamihan ng mga nanay, ito ay isang malungkot na okasyon., isang pagpaalala sa kanilang mga anak na nawala, hindi lamang sa rebolusyon kundi sa mga karahasan pang darating.  Ang ibang mga nanay ay namumuhay sa takot at nais nilang ligtas ang kanilang mga anak.  Nag-aalala sila sa tuwing umaalis ang kanilang mga anak papunta sa eskuela or sa tuwing bumibili ang kanilang mga anak sa isang lokal na tindahan.

Basahi, magnilay-nilay at manalangin.   Mateo 11:25-30


15-03-12

ANG SAULO SA PANAHON NGAYON?

Ngunit ito naman ang sabi ko:  ibigin ninyo ang inyong mga kaaway, at idalangin ninyo ang mga umuusig sa inyo upang kayo’y maging tunay na anak ng inyong Amang nasa langit.  Sapagkat pinasisikat niya ang araw sa masasama at sa mabubuti, at pinapapatak niya ang ulan sa mga banal at sa mga makasalanan.

Mateo 5:44-45

Si Abdullah is isang tapat at debotadong Muslim.   Ang kanyang layunin sa buhay ay maghikayat ng mga Muslim na maging mas mabuting Muslim at gawing Muslim ang mga hindi Muslim.  Siya ay nagtatrabaho sa isang sangay ng seguridad sa Gobyerno.

Isang araw, inaresto ng kanyang dibisyon si Ayoub,  isang Arabung dayuhan, dahil sa kanyang pag-akit ng mga Muslim sa Kristyanismo.  Inutusan ng kanilang Unit kumander si Abdullah na palu-in si Ayoub.  Nag-isip si Abdullah at tinawagan ang kanyang panrelihiyon na lider. “ Malulugod ba ang Diyos sa aking gagawin ng pagpalo sa isang Kristyano?”  “Opo”, sagot nya.  Pinalo ni Abdullah si Ayoub dahilang sa nais niyang bigyang lugod ang Diyos.  Papaluin niya uli si Ayoub at mayamaya hihikayatin niya na bumalik sa Islam.

Isang beses, sinabihan siya na kunin ang Biblia ni Ayoub.  Muli, tinawagan niya ang kanyang parelihiyon na leader:  “Malulugod ba ang Diyos kung kukunin ang kanyang Biblia.?” Muli, sinabi ng lider na oo.

Nang makalabas si Ayoub sa kulungan,  madalas niya tinawagan  si Abdullah.  Sa umpisa, hindi siya masyadong mabait sa kanya. “Bakit kaya tinatawagan ako ni Ayoub?”  Dapat magalit siya sa akin sa lahat ng aking pagpapalo sa kanya?”  Ngunit hindi binanggit ni Ayoub ang tungkol sa pagpalo sa kanya. Binahagi-an lamang siya tungkol sa pag-ibig ng Diyos.  Sa kalaunan, naging palagay ang loob ni Abdullah sa kanya.

Minsan nagkukuwento si Abdullah tungkol sa Islam, kung paano siya maglingkod at manalangin.  Si Ayoub naman nagkukuwento tungkol sap ag-ibig ng Diyos at kung paano magkaroon ng kaugnayan sa isang buhay ng Diyos.

Alam ni Abdullah ang siyamnapu’t siyam na pangalan ng Diyos sa Qur’an.  Alam niya na ang Diyos ay dakila at makapangyarihan ngunit di nya alam na ang Diyos ay pag-ibig at mahal siya ng Diyos.

Basahin, magnilay-nilay at manalangin  Mga Gawa 9:1-21


15-03-05

MGA TAKOT NG MGA MANANAMPALATAYA

Isipin na lang ninyo ang mga uwak:  hindi sila naghahasik ni nag-aani man; wala silang bangan ni kamalig, gayunma’y pinakakain sila ng Diyos.  Gaano pa kayo – higit kayong mahalaga kaysa mga ibon! 

Lukas 12:24

Si Ahmed is isang bagong mananampalataya kay Hesus sa pamamagitan ng telebisyon.  Siya’natutuwa na malaman na maraming katulad niya at siya ay nakikipagkonekta sa pamamagitan ng internet.  Ngunit siya ay takot na makita niya sila harap-harapan.  “ Paano ko malaman na sila ay mapagkatiwalaan at hindi nila ako isuko sa mga pulis?” tanong niya.

Sa panahon nang nagkaroon ng tatlong buwan ng panalangin at pag-aayuno sa Libya, mga ilang expat na mananampalataya ang nag-ukol ng tatlong araw para bigyan diin na sirain ang  espiritu ng pagkatakot.  Nang mga sumunod na linggo, may mga ilan na inaresto at ikinulong;  Ang mga kapatirang taga Ehipto ay pinahirapan at may isang namatay, dahil doon.

Mula noon maraming pang mga naibalita na mga pinatay at inaresto dahil sa kanilang pananampalataya.  Ang magdala ng pangalan ni Kristo ay mapanganip sa bansa ng Libya at   buhay ang kapalit sa ating pagsunod sa dakilang utos.   Hindi sila masyadong mahigpit sa mga ibang mga dayuhan na mananampalataya ngunit walang kautusan na magtanggol sa mga local na mananampalataya.  Bagkus ang kanilang kautusan ang naghahatol sa kanila.  Maraming mga mananampalataya ang natatakot na baka mismo ang miyembro ng kanilang pamilya ang papatay sa kanila bilang ‘pagsunod sa Diyos’.  Minsan hindi binibigay ang sweldo kung malaman ng kanyang amo na siya ay isang mananampalataya.  May mga ilang relihiyosong grupo na mistulang naglalabasan upang patayin ang mga lokal na nagpahayag ng kanilang pagsunod kay Hesus.  Takot ang pumipigil sa ating mga kapatiran doon para hindi sila magbahagi ng Mabuting Balita at pagsasama.

Gusto mo bang magla-an ng oras ng pag-aayuno para sa mga Libyanong mananampalataya sa linggong ito?  Hingin sa Banal na Espiritu na gabayan ka kung paano sirain ang espiritu ng pagkatakot sa mga mananampalataya doon.

Basahin, magnilay-nilay at manalangin   Mateo 10:16-33


15-02-26

PANG-UNAWA TUNGKO SA KRISTIANISMO
Sikaping mawili sila sa pakikipag-usap sa inyo at pag-aralang mabuti kung paano tutugunin ang bawat isa.

Colosas 4:6

Si Fatima ay mga benty anyos lamang at walang asawa. Siya ay nakatira sa isang maliit na bayan. Hindi siya lumalabas na walang bandana sa ulo sa harap ng lalaki (maliban sa kanyang tatay, mga kapatid na lalaki, pamangkin na lalaki at sa darating na panahon, sa harapan ng kanyang asawa). Mas nais din niyang magsuot ng mahabang damit panlabas para takpan ang panloob na damit kung siya’y lumalabas. Alam niya na ang reputasyon ng mga kababaihan na kailangan mababantayan kaya nagsusuot siya ng mga damit na di-kapansin-pansin at kasiya-siya. Mas naramdaman niya na siya ay kabahagi ng kanyang pamilya at ganun din ng kanyang kultura at sa kultura na mga Muslim sa buong mundo.
Walang masyadong alam si Fatima tungko sa Kristyanismo ngunit nababahala siya sa kanyang nakikita. Ang mga Kristyano ay nag-iinom at naninigarilyo at nagsusuot ng mga damit na masyadong maiikli o masikip at sila ay nakikipagtalik na hindi kasal. Galit ang kanyang pamilya sa mga usap-usapan na gusto ng marami gawing Kristyano ang bansa ng Libya. Ayaw nilang isipin na ang kanilang mga kababaihan ay lumalabas na naka-miniskirt at naninigarilyo. Hindi nila gusto na ang maling pamumuhay ng mg Kristyano na nakikita nila sa mga palabas sa Hollywood ay pumasok sa kanilang sosyudad.
May ilang mga kababaihan na mas gusto nila ang maraming kalayaang pumili na magsuot ng bandana o hindi na. Ngunit negatibo pa rin ang pagtingin nila sa Kristyanismo at ito daw ay pamumuhay ng mga tao sa West.
Ang ipahayag kung sino si Hesus at kung ano ang kahulugan ng tunay na pagsunod ay kailangan para sila maakit sa Kanya. Paano tayo mamuhay bilang mga mananampalataya sa loob at labas ng Libya para makita nila ang tunay na pagkatao ni Hesus. Paano natin ipanalangin ang mga expat at mga lokal na mananampalataya.
Basahin, magnilay-nilay at manalangin Roma 12


15-02-19

BENGHAZI
Mula sa Kanya ang buhay, at ang buhay ay siyang ilaw ng sangkatauhan. Juan 1:4

Sa silangan ng bansa ay ang Benghazi, ang pangalawa sa pinakamalaking lungsod sa Libya. Noong ika -15 ng Pebrero taong 2011, ang Tagapagsalita ng mga biktima na pinatay noong 1996 sa kulungan ng Abu Salim ay inaresto. Sinundan ito ng isang mapayapang pag-aalsa . Matapos ang dalawang araw, 14 ka tao ang pinatay ng mga pulis. At ito ang umpisa ng isang rebolusyon na nauwi sa pagkabagsak ni Gaddafi pati na rin ang magulong kalagayan ng bansa na hanggang ngayon ay nagpapatuloy.

Noong unang panahon, ang mga mamamayan ng Benghazi ay kinikilalang mga tagapag-alaga at tagapagtanggol ng mga mahihirap o mga mahihina na lumalapit sa kanila. Kitang-kita ang palatandaan sa lungsod – isang lumang kwadradong parola. Ang bansa ng Benghazi ay nagsilbing inspirasyon para sa mga taong walang pag-asa. Ngayon ang lungsod na ito ay lalo pang kulang sa espritwal na aspeto.

Mula pa noong 2011, pinapatay ang mga sundalo at mga pulis pati na rin ang mga panlipunang aktibista sa loob ng mga mosque, paaralan, kahit sa loob ng kanilang bahay. Araw-araw, patuloy ang labanan ng magkaaway na grupo o partido. Maraming dugo ng mga walang kasalanan ang dumaloy.

Isang babae ang nagpahayag ng kanyang pagkabigo pagkatapos ng isa pang labanan: “Ang mga gusaling itinayo mula sa mga bato at semento ay maaring muling itayo ngunit ang mga kaluluwa ng mga kabataan ng Benghazi ay pinagpapatay ng mga terorista.”
Sa nakaraang dalawang taon, tumaaa ang kaso ng pag-atake at pagpatay sa mga ipinapadala sa ibang bayan na mga mananampalataya at mga iglesya. Maraming mga Kristiano ang umalis o napilitang umalis ng lungsod at bansa.
Sa inyong oras ng pananalangin ngayong lingo, humingi ng awa sa Diyos para sa Lungsod ng Benghazi, Humingi sa Banal na Espiritu na ipakita ang layunin ng Diyos para sa bayan at sa mga mamamayan.

Basahin, magnilay-nilay at manalangin Isaias 59


15-02-12

IKA – 4 NA ANIBERSARYO NG IKA -17 NG PEBRERONG REBOLUSYON
Dahil sa kanyang tinig ay nayanig noon ang lupa; ngunit ipinangako niya ngayon, “Minsan pang yayanigin ko, hindi lamang ang lupa kundi pati ang langit.” ang mga salitang “Minsan pa,” ay maliwanag na nagpapakilalang aalisin ang mga bagay na nilikhang nayayanig, upang manatili ang mga bagay na di-nayayanig.

Hebreo 12:26-27

Si Khaled ay tatlumpong taong gulang at nakatira sa isang bayan ilang oras mula sa Tripoli.Nang magsimula ang rebolusyon, siya ay masigasig na sumali nang umabot sa kanyang bayan. Nakalipas ang ilang buwan, sabi nya “ Itong mga nakaraang buwan ay naging tulad ng impyerno. Ang digmaan ay talagang pangit. — hindi ko ito alam noon. Si Gaddafi ay hindi tao, siya ang mismong diyablo. Maraming beses na muntik na akong mamatay. Lumalaban kami araw-araw para lang mabuhay hanggang dumating ang tulong ng mga ibang rebelled upang iligtas kami. Ang araw na yaon ay isang banal na araw, ang araw ng tagumpay.”
Nakalipas ang dalawang taon, siya’y desmayado dahil sa patuloy na karahasan at poot laban sa mga expats, sabi niya, “Silang mga rebolusyonaryo ang may kagagawan ng mga kasuklam-suklam na gawain sa mga tao sa ngalan ng rebolusyon.”
Kagaya ng ilang mga Libyano, nais ni Khaled umalis ng kanyang bansa, ngunit nagpasyang manatili para sa kanyang pamilya. Ngayon, tatlong taon na ang nakalilipas, pagkabigo at kawalan ng pag-asa ang pumasok: Ang nakakalungkot dito ay yaong mga walang kasalanan ang nadadamay, na parang ang buhay ng tao ay walang halaga. Araw-araw, ang mga tao dito ay nagdurusa, kasabay ng armadong nakawan, labanan at iba pa. Napagtanto ko na ang problema ay hindi kay Gaddafi. Ang buhay ng mga Libyano ay walang kabuluhan – at kung sila ay bigyan ng oportunidad, ilalabas nila ang kanilang kadiliman. Ngunit maaring ito ay likas sa ating katauhan. Kung minsan, ako ay desperado. Ganito ba talaga tayo? Ito ba ay likas sa tao? Nais ko talaga mamuhay na may kapayapaan sa isang lugar, walang kaguluhan, walang pagkamuhi. Ako’y nababaliw at naliligaw sa ganitong sitwasyon, nag-iisip, kung may liwanag ba sa dulo ng lagusan?
Basahin, magnilay-nilay at manalangin Hosea 2:14-23


15-02-05

ANG BUHAY NG PARA SA MGA KABATAAN
Ako lamang ang nakaaalam ng mga panukalang inihahanda ko para sa ikabubuti ninyo, at para dulutan kayo ng pag-asa sa hinaharap.

Jeremias 29:11

Ang patuloy na karahasan simula pa noong rebolusyon ay umaapekto sa mga kabataan ng Libya kung saan ang buhay nila ay napapaligiran ng takot.
Si Ahmed ay tatlumpong taong gulang. Habang nakaupo sa paaralan at sumusulat para sa kanilang pagsusulit, sumabog ang isang bomba dalawang bloke lamang ang layo. Ito ay nagaganap na lang araw-araw at tumingala lamang siya. Siya’y napabuntung hininga lamang at patuloy pa rin siya sa kanyang ginagawa. Ngunit nang ang eroplanong pangmilitar ay lumipad sa ibabaw ng kanilang paaralan na napakababa, siya at ang kanyang kaklase yumuko at pinapawisan ng lamig.
Minsan si Mahmoud, ang kanyang nakababatang kapatid na labinlimang taong gulang ay nakatulog sa klase. Nang pinalo siya ng patpat ng kanyang guro sa kanyang mesa para gisingin, siya’y umiyak.
Sa panahon na mas ligtas, madalas naglalaro si Ahmed sa kalye kasama ang kanyang mga kaibigan. Hindi na siya pinapayagan lumabas ngayon. Natatakot sila baka dukutin ang kanilang anak. Kung minsan nakaupo ang kanyang tatay sa labas at bumibisita kasama ng ibang mga kalalakihan na malapit sa kanilang bahay, at siya at ang kanyang mga kaibigan ay nakakapaglaro habang sila ay pinagmamasdan.
Tulad ng lahat ng mga local, nagmamay-ari rin ng mga baril ang pamilya ni Ahmed para sa kanilang proteksyon. Kahit na ang kanyang kapatid na si Mahmoud, ay nagdadala ng baril.
Si Ahmed ay naiinip sa bahay. Siya’y bigo at galit, gayunman wala siyang magagawa para baguhin ang sitwasyon. Kung minsan nais niya lang suntukin ang isang tao upang maalis ang matanggal ang lahat ng kanyang galit. Nang kinuha ng kanyang kaibigan ang kanyang lapis noong isang araw, sumiklab siya sa galit. Naramdaman niyang mapapatay niya siya kung ang guro ay hindi namagitan.
Basahin, magnilay-nilay at manalangin Isaias 11:1-10


15-01-29

ANG MGA BERBER
Kapag kayo’y pinalaya ng Anak, tunay nga kayong malaya.

Juan 8:36

Akala ni “Salaam” siya lang ang nag-iisang kabilang sa Tribu ng Amazigh na nakakilala kay Jesus. Ang lahat sa kanyang nayon at lugar sa Libya ay mga hindi Arabu na Muslim.
Isipin mo ang kanyang pagkagulat ni “Salaam” nang isang araw, nakilala niya ang dalawang mananampalataya kay Hesus galing sa isang karatig-bansa na nakapagsalita ng kanyang wika. Dumaloy ang mga luha ng kagalakan habang sila’y nag-uusap sa isa’t isa at inilalarawan nila kung paanong naging mananampalataya ang libo-libong Amazigh sa mga karatig-bansa.
Ang mga Amazigh, na kinikilala rin na mga Berber, ang siyang tinuturing na mga orihinal na mamamayan. Ang mga Libyanong Berber ay nakatira sa mga bayan doon sa mga bundok ng Jabal Nafusa, sa kahabaan ng baybayin ng Tripolitania at sa mga disyerto ng Cyrenaica at Fezzan. Maraming mga Libyanong naniniwalang sila ay galing sa lahi ng mga Arabu, nagpapakita rin ng mga bakas ng magkakahalong lipi na mga Berber.
Mula noong 2011 na rebolusyon, ang mga Amazigh sa bansang Libya ay lantarang ipinakita ang kanilang bandila at itinuro ang wika ng Tamazight sa kanilang mga anak. Ang simbolo ng kanilang bandila ay nagpapahayag na sila ay “ malaya at marangal na mga mamamayan.” Sila ay mga maaasahin at masipag na mga mamamayan.
Bago dumating ang Islam, ang mga Amazigh ay kinikilalang mga Kristyano, Judio o mga sumasamba sa maraming diyos. Ngayon, ang karamihan sa mga Amazigh ay mga Muslim. Ang mga ilan ay sumasang-ayon, na ang Islam ay ipinilit lang sa kanila, maraming siglo na nakaraan.
Basahin, magnilay-nilay at manalangin Juan 4:1-42


15-01-22

Derna
Sapagkat ang kalaban nati’y hindi mga tao, kundi mga pinuno, mga may kapangyarihan, at mga tagapamahala ng kadilimang namamayani sa sanlibutang ito – amg mga hukbong espiritwal ng kasamaan sa himpapawid.

Efeso 6:12

Ang lungsod ng Derna sa silangan ng bansang Libya ay may populasyon ng mga isang daang libo ka tao. Ito’y matatagpu-an sa gitna ng Berdeng bundok, ang dadat ng Mediteraneo at ng disyerto. Ang mga nakatira sa lungsod na ito ay magkahalo-halo ang kanilang pinagmulan.
Ang lungsod na ito ay tanggulan ng mga radikal na mga grupo kabilang na ang Ansar-al-Sharia, pinagtaguriang ng UN na isang teroristang samahan. Noong Abril 2014, ipinahayag ng bagong usbong na grupo mula sa radikal na grupong ito, na ang batas ng ‘sharia’ ay ipinatupad na sa Derna. Napag-alaman na ang grupong “Shura Council of Islamic Youth” ((kanilang sariling deklarasyon) ay nagbukas ng mga korte pang-Islamik at nagtatag ng mga relihiyusong pwersa ng mga pulis sa bayan. Dose-dosenang miyembro na naka suot pa ng pang-sundalong kasuutan (fatigue) at may takip pa sa mukha ay nagsisipaglabasan. Palagi sila naka parada, sakay ng pick-up trak at ipinapakita ang mga ‘rocket launchers’ at mga mabibigat ng mga ‘machine guns’, bitbit ang kulay puti na bandila na ginagamit ng mga jihadists. Noong nakaraang Agosto, ipinakita ng Shura Council online ang video tungkol sa’public execution’ na ginanap doon sa Derna Football Stadium sa isang Egiptong inakusahang pumatay.
Ang lungsod ng Derna ay may mahabang kasaysayan patungkol sa radikal na islamismo. Sa dahilan na ang lungsod na ito ay hindi nabigyan ng pansin noong panahon ni Gaddafi, ito ay nabigay daan para madagdagan ang mga mandirigma ng Al-Qaeda sa Iraq, kompara sa anumang ibang bayan sa Gitnang silangan. Nagpadala din sila ng mga mandirigma para sa ISIS sa bansa ng Syria. Ang karamihan sa mga nakatataas na jihadists sa Libya ay mga dating miyembro ng Al-Qadea at mayroong idiyolohiyang awayan sa pagitan nila at ng ISIS.
Noong Nobyembre 2014, may mga ilang pangkat galing Derna na nangako ng kanilang pagsunod sa grupo ng ISIS ( at sa pamumuno ni Abu Bakr Al Baghdadi), pero hindi ito klaro kung alin sa mga ito o gaano kalaki ang kanilang suporta. Sa parehong buwan, ang mga katawan ng tatlong aktibistang kontra-ISIS ay natagpuang pinugutan ng ulo sa bayan. Dinukot silang tatlo, ilang linggo bago ito nangyari. Silang tatlong ay nagbigay ng impormasyon tungkol sa lungsod sa pamamagitan ng social media. Mukhang napapaligiran na ng kadiliman itong lugar na ito.

Magtalaga ng oras ng pagpuri at pagsamba habang itinataas ninyo ang lungsod nd Derna sa trono ng Diyos; Hayaang pumasok ang Katotohanan at Liwanag sa lungsod ng Derna. Hilingin sa Banal na Espiritu na ipakita ng Diyos ang kanyang puso sa mga mamamayan at sa mga extremists. Pwede mo ipadala ang mga natanggap mong ‘salita’ sa info@pray4libya.net or i-post mo sa ating Facebook or Twitter page.
Basahin, magnilay-nilay at manalangin 2 Chronica 20:15-22


15-01-15

BINHI NG KAWALANG-HANGGAN
“Ang ulan at niyebe paglagpak sa lupa’y di na nagbabalik, aagos na ito sa balat ng lupa’t nagiging pandilig, Kaya may pagkai’t butil na panghasik. Ganyan din ang aking mga salita, magaganap nito ang lahat kong nasa.

Isaias 55:10-11

Nag-umpisa ang Ebanghelyo sa bansa ng Libya, mga dalawang libong taon na ang nakalipas. Napapansin natin na may mga taong kasama sa kwento ng Ebanghelyo, mula sa bansang ito — nariyan si Simon ng Cirene (Bandang silangan ng Libya) at ganon din noong panahon ng Pentecostes. Ngayon, ang mga sinaunang labi sa Libya ang siyang mga tahimik na mga saksi ng mga sinaunang Iglesia.

Ngayong mga modernong panahon, ang binhi ng Ebanghelyo ay itinanim sa maraming paraan. Ang katotohanan tungkol sa kay Hesus ay naipamahagi. Ang ibang mga tao ay nakatanggap ng mga ilang bahagi ng Kasulatan… Ang ilan ay pinagpala ng panalangin ng mga mananampalataya. Ang ibang mga ‘manghahasik’ay ay buhay ang tinaya sa kanilang panghahasik.
May mga ilang mga turistang bumisita sa isa sa mga bayan kung saan makikita ang mga labi ng sinaunang Iglesya. May nakilala silang batang mananampalataya. Siya’y namangha ng marinig niya na ang kanyang bansa ay nabanggit sa Biblia (sa Pahayag). Tinanong niya kung si Simon ng Cirene ay taga Cirene. Siya ay sobrang natuwa na ang kanyang bansa ay nabanggit sa Biblia.
Paano natin ipinalangin ang mga binhing na naihasik? Hilingin sa Banal na Espiritu para turuan tayong ipanalangin ang mga binhi ng Ebanghelyo na hindi lumalagoi sa matagal na panahon?

Basahin, magnilay-nilay at manalangin Ezekiel 37


15-01-08

PAGPAPAHAYAG
Ang pintuang luma ay buksan nang lubos, ang dakilang hari ay doon papasok. Ang dakilang haring ito ay sino ba? Siya ay si Yahweh, dakilang talaga; Saanmang labanan tagumpay ay kanya.

PSALM 24:7-8

Habang siya’y nakaupo sa selda ng pulis, walang kamalayan na siya ay haharap sa korte sa araw na yaon, ang isang mananampalataya na inuusig. Nakakaramdam ng pag-udyok ng Diyos na ipanalangin ang bansa ng Libya.

Maya-maya habang siya ay dinadala ng mga bantay patungong bahay hukuman, nakita niyang may nakasulat sa pader na nagsasabi “ Itaas mo ang iyong ulo, O Libya”. Hindi nakalimutan ng Diyos ang bansang Libya. May magandang plano Siya para sa bansang ito.
Ipahayag ang pangalan ng Diyos sa bansa ng Libya at sa kanyang mga mamamayan at hayaang pumasok ang liwanag sa bansa. Tawagin ang mga malalakas na manlalaban mula sa bansang ito. Ipatawag ang mga kalalakihan at kababaihan ng kapayapaan upang buksan ang pinto ng Ebanghelyo at salubungin ang Hari ng mga hari.
Nakatanggap ba kayo ng mga tiyak na pangako para sa mahalagang bansa na ito? Ipanalangin at humingi sa Banal na Espiritu ng mga Salita at mga pangako mula sa kasulatan para gamitin sa panalangin. Maari mong ipahayag ang kadakilaan at kapangyarihan ng Diyos para sa bansa ng Libya sa pamamagitan ng pagpupuri at pagsamba.
Basahin, magnilay-nilay at manalangin Isaias 35


15-01-01

PAGHILA PABABA, MATIBAY NA TANGGULAN
Ang sandata ko ay may kapangyarihan ng Diyos at nakapagpaguho ng mga kuta, at hindi sandatang makasanlibutan. Sinisira ko ang mga maling pangangatwiran. Sinusugpo ko ang lahat ng pagmamataas laban sa Diyos at binibihag ang lahat ng isipan upang tumalima kay Cristo. – 2 Corinto 10: 4-5

Gumamit si Gaddafi ng kulam upang panatilihin siya sa kapangyarihan at maprotektahan siya laban sa kanyang mga kaaway. Nang siya ay wala na sa kapangyarihan, ang kapangyarihan ng kadiliman na nagkamit ng daan sa pamamagitan ng maraming henerasyon ng okultismo, ang mga kasalanan at sumpa pa rin ang namumuno.
Sa huling apat na taon, maraming dugo ang dumaloy. Lumitaw na parang naging palaruan ng Diyablo ang bansang Libya; sunod-sunod ang paggapang ng kadiliman.
Ang matibay na tanggulan nabumabalot sa bansa ng Libya ay ang mga ito: Kulam, pagmamataas o kayabangan, mapagmapuri, anti-Kristo (Pagtanggi sa kamatayan at muling pagkabuhay at kaugnayan ng Diyos Ama sa Anak), kamatayan at pagkamakatao.
Sa pamamagitan ni Jesus, tayo ay lumalapit na may katapangan sa trono ng Diyos. Hayaang suriin ng Banal na Espiritu and ating puso, at sa kababaang loob at pagtitiwala kay Jesus, sirain natin ang matibay ng tanggulan sa pamamagitan ng panalangin; Sira-in ang mga gawa ng Diyablo para maipaghanda natin ang lupa para sa kanyang kaharian.
HUMILING SA ESPIRITU KUNG MERON PANG IBANG MGA PWERSA O SALOOBIN NA KAILANGAN NATIN SIRAIN. MAGPOSISYON SA ISANG LUGAR AT HUMILING PA NG PAGHAHAYAG NG DIYOS.
Mag-imbita sa iba pang mga mananampalataya na mag-ayuno ng isa o maraming araw sa linggong ito para sa bansa. Tapusin ang iyong oras ng panalangin sa pagpupuri at pasasalamat sa ating Hari ng mga hari.

BASAHIN, MAGNILAY-NILAY AT MANALANGIN PSALM 97